Morning Shift na naman

After about a year, balik umaga na naman ako. This time, 10am-7pm ang pasok ko sa Ayala cor Buendia. Magaan na oras, at magaan din na sweldo.

Mamimiss ko ang haggardness ng GY, ang dami ng tao (with positive correlation sa dami ng supcall), ang lalim ng gabi, at ang baliktad na mundo. Matapos ang aking 4 consecutive rest days, may panahon na naman ako para sa aking sarili.

Makakapag gym na ulit ako. Sayang naman ang libreng gym sa Ayala cor Buendia kung hindi gagamitin. Nung GY kasi ako, wala na akong lakas para tumakbo at magbuhat after ng aking shift.

Sabihin na nga natin na mas payat ang sweldo sa umaga, at mas wala kang kaibigan. Pero ito ang schedule na kaya namin ni hon magkita araw-araw. Kahit antayin ko siya ng tatlong oras.

Sulit na to.. kahit papano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *