Ibang klaseng excercise

Handa na kanina yung mga paraphernalia ko para mag gym. Meron na akong shorts, tatlong t-shirt na pampalit at  extra na brief. Meron na rin akong twalya, twalyita, bath soap, shampoo, toothbrush at toothpaste. Handang handa na rin ang katawan ko para magbabad sa treadmill at magbuhat ng weights.

Pagtingin ko sa cellphone ko, may isang miscol at isang txt message.

Nag miscol si hon.
Siya rin ang nagtxt, pinapahanap niya yung pantalon niya na papuputulan sana pero nasa bahay pa. Mahal yung pantalong na yun

Masunurin akong boypren kaya hinanap ko yung pants niya. Binuksan ko ang lahat ng drawer at aparador namin, binaybay ang mga nakasampay na pantalon sa may kumidor, inisa-isa ang mga damit na nakasabit.

Hindi ko nakita ang hinahanap ko.

At naramdaman kong pinagpawisan ako sa engkwentro na yun.

Inulit ko ang eksena. Binuksan ko ulit ang lahat ng drawer at aparador namin, binaybay ko ng pangalawang beses ang mga nakasampay na pantalon sa may kumidor, inisa-isa ko na naman ang mga damit na nakasabit.

Hindi ko pa rin makita.

Tumingin ako sa oras; male-late na ako sa trabaho.

Ako naman ang nagtxt at nagmiscol.

Saka ako nagdecide na hindi na lang ako magji-gym. Pipilitin ko munang makita ang hinahanap na pantalon bukas bago ako mag-gym.

Di na bale, nakita ko naman ang nawawalang set ng sintas ng sapatos ko sa engkwentro. Baka bukas, pera na ang matagpuan ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *