Ibang klaseng excercise .cont'd

Pagkauwi ko kagabi, sakto lang na nasa kwarto namin ang nanay at tatay ko. Tig-isa silang station. Yung desktop ay nasa nanay ko, yung laptop e nasa tatay ko.

Naka farmville na naman si mami, at naka radio streaming na naman si dadi sa DZMM.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Sinabi ko na kaagad sa nanay ko ang tungkol sa nawawalang pantalon./

Eto ang description:

  • Blue na may stripe na puti.
  • Medyo mahaba.
  • Maganda ang tela.
  • Para sa payat.
  • Huling natagpuan sa damitan ko.

Hinabi ng nanay ko ang mga pangyayari. May nakita raw siyang pantalon na ganoon ang deskripsyon dati. Akala niya ay kay Joanne, na asawa ng kuya ko.

Nang marinig ni Joanne ang kwento, nasabi niya na nakita nya rin ang pantalon. Nakasampay yun sa may kumidor.

Isang pasada lang sa mga pantalon sa kumidor e natagpuan rin namin ang hinahanap. Tinxt ko kaagad si hon tungkol sa magandang balita. Napakasaya ng feeling kapag nakita mo ang hinahanap mo.

Hindi talaga ako magaling sa hanapan ng nawawalang bagay. Mahina ako sa skim and scan. Bagsak nga ako sa exam na ganun nung ENGLONE namin e.

Pero sa tulong ng nanay ko at ng sis-in-law ko, mas napapadali ang paghahanap. Buti na lang andyan sila.

Mga mother talaga, they know BEST.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *