Papasok sa Trabaho

Ngayong pang umaga na ang trabaho ko, hindi na advisable na sa EDSA pa ako dumaan papasok sa aming opisina. Hobby kasi ng mga bus driver na mag stop sa bawat kanto ng Ayala bago makarating sa Buendia kung saan nandun ang building namin.

Kaya nga gaya ng nakagawian. Kahit na mag apat na salin sa Jeep ako, sa Mandaluyon-Sta.Ana na ako dumadaan. Eto ang nagiging ruta ko:

  1. Jeep na rutang Punta (bababa sa Puregold Kalentong – Php7.00)
  2. Jeep na paputang Robinson’s Malate (bababa sa Tejeron – Php7.00)
  3. Jeep na papuntang Guadalupe/Delpan (bababa sa Pasong Tamo – Php7.00)
  4. Jeep na papuntang Mantrade (bababa sa Buendia  – Php7.00 FLAT rate)
  5. Lakad hanggang Ayala cor Buendia.

Pag dito ako dumaan, halos 40 minutos lang ang biyahe ko kumpara sa 1-oras kapag sa Boni-EDSA ako sumakay. Mas mahal nga ng otcho pesos, mas tipid na rin sa oras. Wala pang hassle sa pag-iisip kung mali-late ba ako o hindi.

***
Kanina pagsakay ko sa Pasong Tamo, may nakasabay akong dalawang kuya. Ang isa, nagbayad ng bente, at ang isa naman e sampu.

Nagkaron tuloy ng question and answer portion;

Driver: ilan po yung bente?
Kuya1: isa lang.
Driver: (habang nagsusukli ng 13pesos) e yung sampu?

– makatarungan bang tanong yun? kung flat rate na Php7.00 ang pamasahe, hindi pwedeng maging dalawa o tatlo ang pasahero. Kahit pa dalawang estudyante/senior citizen yan, kulang pa rin ng dalawang piso  isa ang sagot, Isa lang ang pasahero.. ISA, ISA, ISAAAA –

Kuya2: Syempre isa.

– napangiti ako –

Driver: tinatanong ko lang po kung kanino.

– lusot si Driver –

0 responses to “Papasok sa Trabaho

  1. malditangmadit

    ang kulit!!!! just wondering how your mind works during petix mode. hehehe…

    truly, not the typical Bob Ong stories.
    keep it up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *