Challenge Question/s

Nag implement ang host ng website na ito ng bagong security level. Pag log in ko kanina sa aking control panel, bumulaga sa akin ang page na nanghihingi ng mga challenge questions. Tatlo ang hinihingi; dati kasi, isang challenge question lang, solve na.

Napaisip tuloy ako, anu anong mga klase ng tanong ba na ako lang ang nakakaalam ng sagot. Yun bang challenge question na ang information ay hindi ko basta basta na lang na ibo-brodkast sa facebook, sa twitter o sa plurk. Yun bang tanong na kahit si hon ay hindi kayang sagutin.

Wala na atang ganun ngayon. Sa panahon na internet ay namamayagpag, walang impormasyon na hindi mo makukuha pag umupo ka sa harap ng computer at nag surf sa google. Lahat ata ng klase ng karunungan, accessible na sa internet.

Mga dalampung minuto rin akong nakatitig sa harap ng aking monitor. Bawat question na sinusulat ko, naiisip ko na may isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam ng sagot, kaya binubura ko kaagad ang question at nag-iisip ng panibago.

Matapos i-search ang sarili sa google, ilang subo ng chichiryang Chippy, ilang lagok ng tubig galing sa Mineral water bottle, at ilang palit ng pwesto sa inuupuan kong computer chair, nakapag isip na rin ako ng mga tanong.

Hindi ko ishe-share dito ang mga tanong at sagot.. ano ka, bilog?

<0-0>

0 responses to “Challenge Question/s

  1. may bloodtype na palang B+? haha. ayos yan ah. magandang gabi 😛

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *