Blue Rose

“Magkano po ang long stem?”

“Long stem po?”

“Oo, pag isang piraso?”

“bente po.”

“Pag isang dosena.”

“isandaan po sa isandosena.”

Ganyan ang presyuhan dito sa Dangwa. Ito ang bagsakan ng bulaklak sa Maynila. Maraming rosas dito. At makakamura ka talaga pag kumuha ka ng wholesale.

Ibang rosas kasi ang hinahanap ko. Gusto ko yung talagang long stem. Isang piraso lang, malaking bulaklak, kulay asul kung meron, at hindi kagaya ng karamihan na makikita mo sa hile-hilerang tindahan ng bulaklak sa Dangwa.

Naglakad-lakad pa rin ako. Kahit malakas ang ulan at medyo sira na ang payong ko, hindi ako nagpatalo.

“Ate, wala ka ba nung malaki ang bulaklak na long stem?”

“imported yun, wala dito nun.”

“San kaya meron?”

“Tignan mo sa Holland”

Kung sa Holland pa ako magpupunta, hindi ko na maiaabot ke hon ang bulaklak. Malayo ang Holland. Nasa Europe ata yun.

Kaya sumubok ako ng isa pang tanong.

“Kuya, wala ka bang long stem? Yung imported daw.”

“Sa Holland Tulips, tignan mo dun.”

Ayun naman pala. Holland Tulips, sikat na tindahan yun ng mga bulaklak. Nasa Dangwa ako at siguradong mura din ang bulaklak dun kahit imported.

Pagpasok ko sa Holland Tulips. Tinanong ko agad ang bantay, “Magkano po ang long stem na blue rose?”

Sinabi naman kagad sakin ang presyo.

Kumuha ako ng isang piraso at nagbayad. Nanghingi na rin ako ng discount, pero di ako nagtagumpay.

Nakangiti ako sa gitna ng bumubuhos na ulan. Signal number 1 ang sabi ng PAGASA. Nakapantalon ako at basa na ang laylayan ng pantalon. Ang sapatos ko na kulay brown ay basa na rin. Nararamdaman ko rin na unti-unting pinapasok ng tubig ang mga medyas ko.

Di na bale, ayos lang to. Maliit na sakripisyo lang naman to hanggang sa makarating ako sa sasakyan namin sa kabilang kanto.

Sana nga lang, napangiti ka nung inabot ko sayo ang bulaklak.

0 responses to “Blue Rose

  1. question lng sir magkano ung bili mo dun? 🙂 tska dun lng tlga may blue rose ?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *