Junville's Thanksgiving party

Bago na ang landas na tinatahak ni Junville. Hindi na namin siya kasama sa trabaho ngayon. Mas maganda at mas maayos na raw ang buhay niya. Kaya nag-imbita siya ng isang maliit na salu-salo.

Noon July pa ang birthday ni Junville. At dahil hindi siya nanlibre noon, ngayon niya naisipan na bumawi sa amin. Ang mini event/reunion na ito ay isang malaking “cheers” para sa kanya.

Nagpaluto siya ng Humba ke verni. Mga bisaya lang ang may alam nun at delicacy para sa kanila yun. Pero para sa amin, parang sweetened adobo lang siya. Naku, pag nabasa nila itong post ko. aawayin nila ako for sure.

Hindi mawawala ang inuman pag lugar ni Verni ang pinag-uusapan. Kaya eto ang mga tanggero namin.

At may sorpresa pang dumating, na nagpasaya ng gabi.

Malamang ay hindi mo na siya nakikilala dahil short hair na siya ngayon.

Nag-enjoy ako nang sobra.

Maraming salamat Junville, sa uulitin ha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *