Kuya Kim Mild Stroke

The clinical features of a mild stroke may include an extremely diverse group of effects, or symptoms. These include changes in sensation, changes to patterns of movement, weakness or paralysis, emotional disturbances and changes to speech. All, or only some of these mild stroke symptoms may be present in any particular case. – ezinearticles.com

Hinanap ko kagad ang signs and symptoms ng Mild Stroke sa internet, nang mabalitaan ko na si Kuya Kim, ang ating Matanglawin, ay itinakbo sa Makati Med.

Lunch time ko kasi kanina. Kumain ako sa malapit na karinderia, medyo kakaiba lang ang araw na ito dahil may roving vehicle ang TV Patrol World sa labas ng emergency bay ng Makati Med. Huli kong nakita ang ganitong eksena noong nandun si Pres Cory Aquino.

Tsismoso ako, at tinanong ko ang tindera ng karinderia. Sinabi niya na si Kuya Kim daw ay itinakbo dun kanina. Nakita pa nga nila na palabas ito ng ambulansya.

Ayon sa report, papunta pa lang daw sa trabaho si Kuya Kim nang makaramdam ito ng kakaiba sa kanyang katawan, dahilan para mag biglang liko ang kanyang driver at dalhin siya sa Philippine General Hospital. Nilipat siya sa Makati Med para maging stable ang kanyang kalagayan.

Sunud sunod naman ang suporta at pag-pledge ng dasal ng kanyang mga fans at mga kasama sa Kapamilya Network.

Dahil hindi makakapagtrabaho si Kuya Kim ngayon, mamarapatin ko na dito ko na lang siya tulungan sa maliit kong website.

Ang ating topic: Stroke.

Ano ba ang stroke?

Ang stroke ay sinsabing isang “brain attack.” Pwede nitong maapektuhan ang utak gaya ng pagkaapekto ng heart attack sa ating puso. Nangyayari ito kapag hindi nadaluyan ng nararapat na dami ng dugo ang ating utak.

Ano ba ang mga senyales ng stroke?

Nangyayari ang stroke nang napakabilis. Mararamdaman ng isang tao ang dalawa o mas marami pa sa mga sintomas na mababanggit:

  • Biglaang pagkamanhid o pagkahina ng mukha, braso, o binti (kadalasan ay isang bahagi lang ng katawan)
  • Pagkalabo ng paningin ng isa o parehong mga mata.
  • Pagkawala ng balanse sa katawan, pagkahilo at problema sa paglakad.
  • Biglaang nauutal at hindi pagkakaintindi ng naririnig.
  • Biglaang pagkasakit ng ulo na wala namang dahilan

Maliit lang o di kaya naman ay walang epekto sa utak ng tao ang Mild Stroke, habang ang Major Stroke e nakakapagparalisa ng tao, o minsan naman ay nagdudulot ito ng kamatayan.

Sources:
http://ezinearticles.com/?Mild-Stroke-Symptoms&id=610467
http://www.ninds.nih.gov/disorders/stroke/knowstroke.htm
http://www.medic8.com/healthguide/articles/stroke.html
http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/08/11/10/kim-atienza-suffers-mild-stroke

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *