Bieber, binato ng mineral water bottle

Tinamaan ka na ba ng bote sa mukha? Mineral Water na bottle? Sure ako, pag napuruhan ka, masakit yun.

At ayoko maka experience ng ganun.

Ang paborito nating singer na may bangs e nagkaroon ng Concert noong December pa. Ngayon lang lumabas ang video at ngayon lang din nagkaroon ng .GIF na version.

Dapat ng kasi, alam na ng Event Organizers ang mga ganito. Dapat pagbawalan ang mga plastic bottles, may laman man o wala, na ipasok sa concert grounds. Sa oras na may makapasok na kahit na isa, sure ako, magiging projectile lang ito.

Hindi naman ako close ke Justin Bieber. Para sakin, ok lang din naman siya, hindi siya ganun kagaling at hindi rin siya ganun kapalpak. Ok lang din naman ang bangs niya e, hindi ko lang ma-imagine kung pano pa siya nakaka-connect sa audience niya kung hindi nila makita ang mga mata niya.

Yung kanta niya na Baby; parang lumang kanta na. Nung High School kasi ako, Boyz II Men ata ang kumanta nun (KC & Jojo daw sabi ni aviriña). Nung College naman ako, F4 ang kumanta nun. Ngayon, iba na ang tono nung siya na ang kumanta. Ganyan yata talaga ang evolution of sound.

So pano, galingan mo umilag sa uulitin ha..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *