Monthly Archives: September 2010

Fox Demon

what did i really lose that day?
for the life of me, i cant remember.

we slowly lost sight of each other in the twilight…
And yet we’re stuck here – unable to go home.
weak frail souls lost in the world.
we act strong to hide their fragility

their fragility

so farewell. but even forced apart
our stories go on.
even in a world without you, i run.
to someday get past the pain..

someday…

P:MM – Lollipop

Grade 4 Elementary days. Gaya siguro ng ibang mga bata, mayiniidolo kang mga upper class mo, either yung pinaka-gwapo o pinaka-magaling magbasketball. Yun bang sinasabi mo sa sarili mo na, “Paglaki ko, magiging kasintalino, kasing-gwapo, o kasing galing ko rin siya. o mas higit pa.”

Isa sa mga idol ko pagdating sa basketball e yung kapitbahay namin sa subdivision. Noel ata ang pangalan niya. 3rd yr high school na siya kaya Kuya ang tawag ko sa kanya. Pinopormahan niya ang aming kapitbahay na si Ate Carla na isang taon mas bata sa kanya.

Minsan, napadaan ako sa bahay nila Ate Carla. Galing ako sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng lollipop. Dalawang piraso ata yun. Dahil  likas na mabait ako, nang makita ko si Ate Carla, inalok ko siya ng lollipop.

Kahit na sinabi niyang masakit ang ngipin niya, tinanggap naman niya ang lollipop. Para hindi ako mapahiya.

Hindi ko napansin na nasa loob na ng bahay nila si Kuya Noel. Nakatambay siya doon at nakikipagkwentuhan sa mga kapatid ni Ate Carla.

Nang makita ako ni idol, biniro niya ako. “Pahingi naman ng lollipop.”

Wala na akong maibigay.

Mas mabait si Ate Carla kesa sa akin. In-offer niya ke Kuya Noel ang lollipop na binigay ko sa kanya. Tinanggap naman ito ni idol.

Binuksan ni idol ang lollipop, tinikman niya ito. Hindi niya nagustuhan ang lasa.

Nang makapasok si Ate Carla sa bahay nila para may gawin na kung ano. Tinapon ni idol ang lollipop sa kalsada.

Natulala ako.

“Sayang noh?” sabay ngiti ni idol.

Hindi ko na siya idol pagkatapos nun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

StarCraft 2 every night

Online na naman kami kagabi ng mga tropa ko. StarCraft 2 ang aming libangan at stress reliever matapos ang araw ng trabaho. Dito kami nakakapagkwentuhan ng kaunti, nakakapagkumustahan at nakakapagplano ng kung ano ang gagawin namin sa mga buhay namin.

Ito ang naging decision ng aming conclave noong huling KnP Meeting. Gamit ang medium na StarCraft2, panandalian kaming nakakawala sa aming mga problema sa buhay at nakakapaglibang. Hindi ito kasing gastos ng ibang hobby dahil 1-time payment lang na 3.5k pesos ang pagkuha ng Battle.Net Key.Araw-araw pa kaming makakapaglaro sa kanya-kanyang bahay.

Mga isa hanggang dalawang oras din kada gabi ang ginugugol namin dito.

Galing ang team namin sa Silver league at unti-unting umaangat sa division rankings. Kagabi lang, nakatalo kami ng rank diamond na players. Nabigyan kami ng bagong ranking na GOLD Rank 1 sa Division Khala Upsilon.

Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Nagbukas pa nga ako ng all english blog para sa aking experiences sa loob ng StarCraft2 World. Titignan natin kung maganda ito sa search engines.

Let’s roll out!

P:MM – Basketball sa Ulan

10yrs old ako nung ako ay grade 4. Mahilig akong lumabas ng bahay pag mababa na ang araw para maglaro sa kalsada. Original na Pilipinong laro ang mga nilalaro namin.

Sa kalsada ng blocks 7 and 8 sa loob ng San Lorenzo South Subdivision ako natutong mag tumbang preso, taguan pung, at moro-moro. Parati kong kalaro ang mga kapitbahay namin. Hindi parating sumasali ang kuya ko dahil iba ang hilig niyang gawin. Ang maliit ko naman na kapatid ay hindi pa pwedeng sumali dahil anim na taon pa lang siya noon.

Meron din naman kaming kaibigan mula sa block 2. Medyo malayo na lugar yun. Basketball ang hilig niya. Isa siya sa mga lider ng mga sakristan sa amin. Nagsisimulang miyembro pa lang ako noon. Mas magkakilala sila ng kuya ko na mas nauna sa akin sa pagiging sakristan.

Isang araw, naisipan kaming puntahan ng kaibigan namin na ito. niyaya niya kami maglaro ng basketball. May bagong tayong basketball court sa kabilang kalsada. Susubukan namin maglaro doon. Pumayag naman kami kahit alas kwatro y medya na. May oras pa naman at hindi pa darating ang aming mga magulang.

Iniwan namin sa bahay ang kapatid naming 6yrs old.

Hindi namin namalayan ang oras sa paglalaro ng basketball. Dumilim na ang paligid, pero hindi namin ito nahalata dahil saktong nasa ilalim ng street light ang bagong basketball ring. Tira lang ng tira habang nakikita pa ang ring.

1 point na lang at mananalo na ang team ko. Hawak namin ang bola at dumidiskarte kami para maka-shoot. Kunwari pa ay bnibilangan namin ang sarili para magkaroon ng thrill ang bawat play.

Hindi namin nahalata na ang kadiliman ng paligid ay hindi dahil sa gabi na, kundi sa pagtaklob ng mga nimbus clouds sa haring araw na papalubog. Bigla na lang bumuhos ang ulan. Malalaki ang mga patak at wala na kaming oras para sumilong.

Hindi ako papayag na i-give up ang huling puntos dahil sa kakaunting ulan lamang. Ganun din ang iniisip ng mga kalaro ko. Hindi ako magpapatalo sa larong ito. Tinuloy namin ang laro at pinilit na makashoot.

Hindi kami nagtagumpay, naagaw ng kalabang koponan ang bola. Sila naman ang susubok.

Pero huminto na ang laro namin.

Dumating ang tatay ko sakay ng Tamaraw FX namin na si UGU (plate number ng sasakyan). Binusinahan kami ng tatay ko ng isang mahaba at malakas na busina. Pareho ito ng tunog na maririnig mo pag tapos na ang laro ng basketball sa PBA.

Alam namin na lagot kami. Naglakad kami papauwi na basang basa sa ulan. Hindi kami pinasakay sa sasakyan. Naka bright ang ilaw ni UGU habang sinusundan kami pauwi sa bahay.

Alam kong galit ang tatay ko nun pero hindi niya kami pinagalitan. Malamang ay hindi niya alam kung paano magsisimula. Pagagalitan ba niya kami dahil sa pag-iwan sa kapatid namin sa bahay mag-isa o dahil naglaro kami ng basketball sa ulan.

Hanggang ngayon, hindi pa niya ito nababanggit sa amin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.