LTO Success

Balikan muna natin ang aking TO DO List for 2010.

Ang nangunguna sa listahan na yun ay ang pagkuha ng driver’s license. At sa wakas, makatapos ang siyam an buwan, naglakas ng loob na rin akong pumunta sa East Ave. LTO Main Office para kumuha ng aking non-pro na license. Hindi kasi pwede sa Mandaluyong Satellite Office ang pagkuha ng non pro.

Akala ko e mauulit ang kapalpakan ko dati. Hindi na pala ngayon. Inagahan ko talaga ang pagpunta dun. Nagpamedical kaagad ako sa unang mag alok sa akin ng serbisyo at nagpa drugtest na rin.

Kumuha agad ako ng numero. Number 18. Ayos, mababang number pa to. Tinawag ang aking number, nagpasa ako ng requirements, at nagreview sa lecture room. Una kong kinuha ang English lecture pero parang mas mahirap kaya Tagalog na lang ang talagang inaral ko.

Matapos akong picturan, bumalik na lang ako sa Lecture room dahil malamig dun. Written Exam ang kasunod; pumasa naman ako. Practical Exam, ayos lang din kahit namatayan ako ng dalawang beses habang hindi pa umaandar ang sasakyan. Nakalimutan ko na may hand break nga pala.

Alas Dos na ng hapon nang makuha ko ang aking lisensya. Tuwang tuwa ako dahil lisensyado na akong magmaneho.

Eto nga pala ang Schedule of Fees na binayaran ko:

  • Drug Test – 300
  • Medical – 100
  • Testing Fee – 168
  • Car Rent – 250
  • License – 418

O pano? Road Trip na to!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *