Daily Archives: 2010-09-15

P:MM – Chess is Attitude

Fourth Year High School ako noon. Galing din ako sa isang matinding breakup. Pangatlong taon na rin sana namin noon. Si SuperEx pa ang aking love team noon.

Mga dalawang buwan mahigit na rin akong walang girlfriend. Syempre, hindi ayos sa akin. Kahit na nagagawa ko pa rin magmaintain ng grades ko, iba pa rin pag nashi-share mo ang achievements sa taong mahal mo. Ewan ko ba, romantiko lang talaga siguro ako.

Naatasan kami ng aming teacher sa English na si Ms Michelle na mag-speech. 5-7 minutes ang alotted time para sa Speech. Bahala kang pumili ng topic mo. Basta gagamit ka ng transition statements at index cards lang ang kodigo mo. Training na rin ito para samin, para mawala ang pagiging mahiyain.

Hindi naman ako mahiyain, kaya ayos na ayos sa akin ito.

Weekend bago ang aking schedule to deliver the Speech, nagkaroon ng maliit na Chess Tournament sa amin. Bata pa lang si Chess GM John Paul Gomez nun. 17yrs old pa lang siya. Hindi man ako nanalo sa chess tournament, nagkaroon naman ako ng pagkakataon na makaharap siya sa isang 1v14 exhibition match.

Wala ni isa sa aming labing-apat ang nakatalo sa kanya. Dalawa lang ang pinalad na ma-declare na DRAW ang laban.

Pagdating ng araw ng aking speech. Inaasahan nang lahat na tungkol sa breakup namin ang speech ko. Hot topic kasi yun sa classroom (at sa buong school). Hanggang sa pagtungtong ko sa entablado at sa pagbitaw ng unang salita, excited ang lahat.

“Chess, is an attitude”

Yan ang naging ikot ng aking speech. Na-bore ang lahat habang kinukuwento ko kung paano ko natutunan ang laro at ang mga experience ko sa mga laban ng chess. Naikwento ko kung pano ako tinatalo ng aking pinsan kahit na wala siyang mga Knights. Naikwento ko kung ilang beses ko nakalaro ng chess ang lolo ko. Naikwento ko rin ang pinakahuling adventure ko sa chess laban ke John Paul Gomez.

Nasa katapusan na ng speech ko nang medyo kinabig ko ang ugali ng paglalaro ng chess sa pang araw-araw na buhay. Sinabi ko na hindi sa lahat nang pagkakataon, maisasalba natin ang lahat. Kadalasan, kailangan mong magsakripisyo ng piyesa para makalamang ng posisyon sa board. Kadalasan, kailangang malinaw ang mga mata mo para hindi ka madaya ng kalaban. Kadalasan, kahit na mas kakaunti ang piyesa mo, kaya mo pa ring manalo. Kailangan mo lang ng mga tamang desisyon.

Bored pa rin ang aking mga audience.

Tinapos ko na lang aking speech nang binitawan ko ang mga salitang ito:

“You see, I have lost my queen, but I am still not beaten in this life’s game, and I can still win my queen back, through pawn’s promotion.”

Palakpakan ang mga tao. Antaas pa ng grade ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Para saan pa at tinawag kang kampeon

Isa sa mga ugali ko ay ang pag-iwas sa away. Ayoko ng gulo. Ayoko nang may kalaban. Para sa akin, ang pagiging neutral ang pinaka-safe na paraan para maprotektahan ang sarili at ang mga mahal ko sa buhay.

Dahil sa ugali kong ito, marami akong nagiging kaibigan. Nakakausap ko ang lahat ng mga nasa paligid ko na wala akong pangamba. Wala rin naman nagagalit sa akin, at kung meron man, hindi ko yun nalalaman. May mga bulung bulungan din naman tungkol sa akin pero hindi nagiging mabigat dahil kakaunti lang naman ang mga ito.

Dahil rin sa ugali kong ito, hindi ko naipaglalaban ang mga gusto ko. Hindi sa lahat nang pagkakataon, pwede kang maging neutral. Most of the time, in order for you to see your worth, and for the others to know how important they are to you, you need to weigh things. Kailangan malaman nila kung ano at sino ang mas importante sayo.

Well, siguro nga, too late na na ma-realize ko ito. Pero sabi nga ng Rook sa larong Chess, “It is never too late to protect the King.” Habang may piyesa pa ako sa board, kayang kaya ko pang lumaban.

Unti-unti ko nang naiintindihan ang mga pagkakamali ko. Ang mga bagay na akala ko’y tama para sa akin, mali pala sa tingin ng pinakaimportanteng tao para sa akin.

Baguhin natin ang pagtingin sa buhay.

Ilalaban ko pa to.