Why Travel?

Dear Sago,

Pasensya ka na, ngayon ko lang pipilitin na sagutin ang tanong mo. Ang hirap kasi ng sagot e. Sa totoo lang, hanggang ngayon, wala pa rin akong maisagot sa tanong mo. Pero dahil gusto kong sumali sa contest mo ngayong “Let’s Go Sago! anniversary” , pipilitin kong makakuha ng karapat-dapat na sagot.

“Why Travel?”

Andami ko nang napuntahan na lugar. Nakapunta na ako sa Galera, sa Tagaytay, sa Baguio, sa Ozamiz, sa Davao, sa Cebu, sa Iloilo, sa Bacolod at kung saan saan pa. Naenjoy ko naman ang aking mga “Philippine travels” . Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam bakit ko na-enjoy.

Recently lang, nakuha ko na ang aking driver’s license. Ibig sabihin, mas madali na para sa akin ang makapaglakbay. May sasakyan naman kasi kami. Tamaraw Fx yun. May topload pa. Madaling gamitin at marami ang capacity. Pwedeng magkarga ng cooler kung pupunta ka ng Beach. Sigurado akong mas marami akong mapupuntahan nito.

Kaso, kukulangin ako sa gas kung ako lang mag-isa.

Last week lang, nagpunta ako sa birthday ng isang dating ka-trabaho. Masaya ang birthday sa Tondo. Naglaro kami ng Guitar Hero sa kanyang PS3. Halos umaga na rin ako umuwi. Dala ko ang sasakyan.

Ako lang mag-isa sa sasakyan.

Alam kong dapat matuwa ako dahil naglalakbay ako. 30minutes ang travel time mula sa kanila papunta sa amin. Naglalakbay ako nang walang kasama.

Yun ang pinakamahabang 30minutes ng aking buhay.

Solo ko ang sasakyan. Hindi ako nagbubukas ng radyo. Wala akong naririnig kundi tunog ng makina at ang sarili kong busina. Tahimik ang paligid sa oras na alas tres ng madaling araw.

Isa lang ang pumasok sa isip ko, boring maglakbay nang walang kasama.

Hindi ko na uulitin ito.

Alam mo Sago, kung meron man akong magiging dahilan kung bakit ko gustong maglakbay, ito marahil at dahil gusto kong ma-experience ang mundo na kasama ang mga taong mahal ko sa buhay. Gusto kong magkaroon ng magagandang memories kasama sila. Memories na kakaiba. Memories na unique. Memories na hindi mo mauulit sa pang araw-araw na buhay. Memories na hindi mo mari-replicate kailanman.

Gusto ko ng memories, memories na may kasama.

Sana satisfied ka sa naging sagot ko,

Pepi De Leon

0 responses to “Why Travel?

  1. Taama, what’s travelling without your loved ones? Nice post!

  2. Pingback: “Why Travel” Blog Winners

  3. Traveling alone- parang umiinom ng ice cold beer ng mag-isa!

    Congrats for winning the contest!

  4. great post! kudos 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *