P:MM – Lollipop

Grade 4 Elementary days. Gaya siguro ng ibang mga bata, mayiniidolo kang mga upper class mo, either yung pinaka-gwapo o pinaka-magaling magbasketball. Yun bang sinasabi mo sa sarili mo na, “Paglaki ko, magiging kasintalino, kasing-gwapo, o kasing galing ko rin siya. o mas higit pa.”

Isa sa mga idol ko pagdating sa basketball e yung kapitbahay namin sa subdivision. Noel ata ang pangalan niya. 3rd yr high school na siya kaya Kuya ang tawag ko sa kanya. Pinopormahan niya ang aming kapitbahay na si Ate Carla na isang taon mas bata sa kanya.

Minsan, napadaan ako sa bahay nila Ate Carla. Galing ako sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng lollipop. Dalawang piraso ata yun. Dahil  likas na mabait ako, nang makita ko si Ate Carla, inalok ko siya ng lollipop.

Kahit na sinabi niyang masakit ang ngipin niya, tinanggap naman niya ang lollipop. Para hindi ako mapahiya.

Hindi ko napansin na nasa loob na ng bahay nila si Kuya Noel. Nakatambay siya doon at nakikipagkwentuhan sa mga kapatid ni Ate Carla.

Nang makita ako ni idol, biniro niya ako. “Pahingi naman ng lollipop.”

Wala na akong maibigay.

Mas mabait si Ate Carla kesa sa akin. In-offer niya ke Kuya Noel ang lollipop na binigay ko sa kanya. Tinanggap naman ito ni idol.

Binuksan ni idol ang lollipop, tinikman niya ito. Hindi niya nagustuhan ang lasa.

Nang makapasok si Ate Carla sa bahay nila para may gawin na kung ano. Tinapon ni idol ang lollipop sa kalsada.

Natulala ako.

“Sayang noh?” sabay ngiti ni idol.

Hindi ko na siya idol pagkatapos nun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

0 responses to “P:MM – Lollipop

  1. Haha. Grabe, ang mga bata nga naman… ambilis madismaya!

    • actually, ang tingin ko dun, inantay pa talaga niya makapasok si Ate Carla sa loob bago niya hinagis yung lollipop sa kalsada. Ayaw kasi niya masaktan ang feelings nun nililigawan niya,

  2. nakakainis naman un kampeon, wala man lang pagpapahalaga sa mga binibigay sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *