Monthly Archives: October 2010

Undas 2010

Tinapos na namin lahat ng sementeryo na dapat namin puntahan ngayong October 31. Kailangan din kasi namin magpahinga at may kanya-kanya pa kaming pasok sa Nov1 or Nov2. Buong pamilya kaming lumarga.

Sinimulan namin sa lolo at lola ko sa Bulacan, Bulacan. Then, takbo kagad sa Good Shepherd sa San Fernando, Pampanga. Balik sa Meycauayan, Bulacan bago magpunta sa Eternal Gardens sa Balintawak.

Kung dati, dumadaan pa kami sa mga kamag-anak sa lugar, ngayon hindi na. Nagsasabi na lang kami na pupunta o nakapunta na kami. Yung tradisyon na ang Undas e para sa maging Family Reunion ng pamilyang Pilipino e hindi na muna namin sinunod ngayong taon.

Masaya naman ako sa pag-ikot namin sa mga sementeryo.Kahit na-flat pa ang isang gulong namin at medyo pumapalya ang karborador, andyan naman ang tatay ko para ayusin ang mga sira.

Isang buong rosaryo para sa Direct ancestors ko, at kakaunting dasal naman para sa hindi. Ayos na siguro yun para hindi ako dalawin.

Eto pala pictures. Puro yung pamangkin ko yan. Camwhore kasi siya e.

***

Yung mga ngayon pa lang pupunta sa mga sementero, nagbabala na ang RMN news, medyo maulan daw.. Magdala kayo ng payong.

New Banner

Natatandaan ba ninyo nung namiss out ko ang isang Memory Miyerkules dahil sa issues sa buhay ko? November 6 yun!

Nagpromise ako sa pangalan ng aking blog na babawi ako sa inyong lahat.

Kaya’t sa tulong ni Tim Dia, pinalitan na namin ang boring kong banner. Kumagat na rin ang bago kong slogan na:

Defining L-O-V-E, and everything in between.

Kung mapapansin ninyo, medyo makapal ang mukha ko sa pagpili ng pictures na ilalagay sa aking banner. Believe me, idea lahat ni Tim Dia yan. Shotgun method ang ginamit niya sa pagpili ng mga pictures na gagamitin sa banner ko. Within 20 minutes, tapos ang banner ko.

At test banner lang daw yan. Gusto lang daw niya patunayan na ang height ng banner ko e 300pixels. Eto itsura ng banner (in case mag rotate na at hindi niyo na makita):

click to enlarge

Di bale, rotating naman yan e. Sa mga susunod na araw, iba-ibang banners ang makikita niyo sa website ko, (kapag sinipag na naman si Tim).

Grabe Tim, bentang benta ka na sakin a. Ililibre na lang kita ng Sung-sung peanuts.

The Amazing Race Asia Bloggers Viewing PARTY

This is the party!

I have been telling my officemates about it.

We have 2 Teams in the latest The Amazing Race Asia (TARA) carrying the Philippine Flag. They did their best in this race around the globe.We all know the drill, first 1 to get to the final finish line wins a million dollars plus plus plus.

We were watching the latest episode of the series last night at National Sports Grill in Greenbelt3. It was the episode when Rich Hardin was so nervous about doing a bungee. Everyone gave him a round of applause when he overcame that fear.

I believe that round of  applause was louder than when they got first on the finish line.

I was there enjoying the meal, chatting with the other bloggers, and following Richard Herrera’s command of making the beer tower disappear.

I wasn’t able to bring my camera for that night because I was coming off from work. Good thing other bloggers are so kind that they take pictures of whoever poses for it. You may see their albums here and here.

And yeah, I got a picture with Lani Pillinger. I really like her style.

photo courtesy of Azrael

Too bad Jess wasn’t there. I really wanted to congratulate her for their efforts in the saw roadblock.

The Amazing Race Asia premieres every Thursday on AXN 9pm. Let us follow The Riches and The Party Girls as they carry our flag around the globe.

Thanks to Azrael for the invite.
PS.
. Thanks to City of Legazpi and Misibis Bay Resort for sponsoring the event. Sa uulitin. Uragons Rule!

P:MM – Pirate Shirt

Hindi ako mahilig magbigay ng regalo, pero dahil na-udyok ako ni super Ex na mag bigay ng regalo sa kanya-kanyang mga tatay namin, nasa mall kami isang araw bago mag father’s day.

Nagdidiskusyon pa kami kung anong magandang i-regalo kay Papa (tatay ni super Ex) at Dadi (tatay ko). Dapat pareho sila. Para hindi magka-selosan.

Tumingin kami sa mga relo, masyadong mahal.

Tumingin kami sa pabango, hindi mahilig sa pabango ang tatay ni Super Ex.

Sinturon? Hindi ko ata alam ang waist line ng tatay ko noon.

Shorts? Briefs? Panyo? Parang cliche naman ata ang mga to.

Sa mga ganitong pagkakataon ako tumatagal sa pagsa-shopping. Matagal pumili ang mga babae. Trait na nila ang pagiging indecisive.

Pag ako kasi ang may bibilhin, nasa tricycle pa lang ako, iniisip ko na ang bibilhin ko. Pagdating ko ng mall, hahanapin ko na lang yung item, kukunin, at babayaran. Tapos.

Signature Pen? Magandang regalo yun. Pero baka mawala lang nila.

Necktie? Minsan lang yun ginagamit.

Damit na lang. Parehong large. Hindi pa uso noon ang body fit.

Hindi raw nagsusuot ng hindi puti si Papa. Kung may design naman, minimal lang. Si Dadi naman, sure ako nagsusuot yun ng kahit ano. Basta damit, kasya sa tatay ko.

Hanap naman kami ng damit. Nakakita kami ng simple lang. Walang collar pero may kulay ang half-inch na kwelyo at manggas.

At ang design? Cartoon-style na pirate. Magugustuhan ni Dadi ang pagka-kwela ng design. Magugustuhan naman ni Papa ang pagka-puti ng damit.

Kanya-kanyang uwi na kami pagkatapos. Kanya-kanyang bigay ng regalo. Mga ilang beses ko rin nakita si dadi na suot niya ang damit. Ewan ko ke Papa pero sure ako na-suot rin niya yung kanya.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.