Daily Archives: 2010-10-05

Critical Days

Lahat ng support staff, naglalakad sa floor. Kapag may nahirapan sa calls, pinaliligiran agad ng mga support staff. Wala kang makikita na naka petiks mode na QA, Supervisor, o Rework Agent. Lahat handang tumulong.

Ganyan ang sitwasyon namin ngayon sa floor. Minsan lang kasi sa isang taon nagkakaroon ng JDPA. (JD Powers and associates accreditation ata yun) Kailangan namin makuha ulit ang accreditation para ma-satisfy ang aming kliyente. Para na rin hindi kami mawalan ng trabaho kung sakaling may mangyaring hindi kanais-nais.

Ang JD Power and Associates ay isang consumer surveying organization. Kapag ang kumpanya mo ay nakakuha ng certification mula sa kanila, ibig sabihin lang nun, mataas ang customer service levels ninyo. Mas maraming magtitiwala na consumer sa inyo kapag ganoon.

Natanong ng isang kasamahan ko sa trabaho kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi namin makuha ulit ang accreditation. Ang naging sagot ng aming manager;

“It is not an option”

Kung baga sa DotA, final push na ito. All mid na, nasa harapan ang tangke, nasa likod ang nukers, at naka-antabay ang support.