P:MM – Suppress

Grade 2 ako noon. Cute akong bata. Medyo gwapito kaya hindi mapagkakailang anak-mayaman. May mga nagkakagusto sa akin na mga dalagita, pero dahil wala pa sa isip ko ang ganoong mga bagay, naglalaro lang ako ng moro-moro at habulan.

Hindi ko trip makipaglaro sa mga kaklase ko. Walo lang kasi kami sa klase nun. Anim sa amin ay mga babae. Dalawa lang kaming lalaki at hindi ko pa ka-close yung kaklase kong yun. Mas malapit kasi siya sa mga babae. Iba ang trip niya. Mas gusto ata niya magsayaw kesa maglaro ng habulan.

Kapag recess o lunch break, bumibisita ako sa klase ng kuya ko. Kahit na mas matanda sila sa akin, mas gugustuhin ko na makipaglaro sa kanila. Mas exciting ang takbuhan doon dahil mas mabibilis sila. Mas maaangas din at minamaliit nila ang kakayahan dahil mas bata ako sa kanila. Mas nacha-challenge ako.

Sa klase kasi namin, dahil ako ang lalaki, dapat kong pagbigyan ang mga babae pag naglalaro ng habulan. Dapat kong bagalan ang takbo sa mga karera. Dapat kong bigyan sila ng lead time bago ako magsimulang lumundag-lundag sa sack race.

Nasu-suppress ang kakayahan ko kapag ganun.

Ayoko talaga na nailalagay sa sidelines ang husay ko. Ayoko na hindi ko nagagamit ang aking potential. Ayokong maging benchwarmer. Hindi na lang sana ako naglaro kung tatambay lang din ako at manunuod sa iba.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *