Book Review: Kikomachine Komix blg1

2005 pa nung lumabas ang librong ito. It is from the same publisher of the Bob Ong books, Visual Print Enterprises. Ang pagkakaintindi ko, compilation ito ng mga komik strip na makikita sa Philippine Daily Inquirer at kung saan saan pang mga dyaryo.

Si Manix Abrera ang author ng libro. Hindi ko siya kilala e. Wala kasi siyang Wikipedia page.

Pokus

Ang focus ng mga komik strip ay ang buhay kolehiyo. State University ang setting dahil parating dini-discus ang budget sa edukasyon at layo ng mga building sa isa’t isa. Sigurado akong makakarelate ang sino man na nasa Kolehiyo ngayon, nakatuntong sa Kolehiyo dati, o nakatapos ng Kolehiyo sa panahon ngayon.

Sa simula, o kung isang linya lang ng komik strip ang babasahin mo, hindi mo mage-gets ang humor. Parang pilit na nagpapatawa lang ang author. Pero kung sapilitan mong babasahin mula sa simula, sigurado akong mage-gets mo rin ang ibig ipahiwatig ng author sa ika tatlong pahina pa lang; at hindi mo na bibitawan ang libro hanggang sa matapos mo ito.

Mga karakter

Spiky hair boy – siya ang pinaka-korni sa grupo. Siya ang parating nagbibitaw ng punchline.
Kalbong chick – matalino siya, may mga banat na sensible, pero wala siya sa tono kung kumanta.
Eyeglass Man – medyo geek siya tignan pero hindi siya talagang marunong. Nakiki-ride siya sa kung ano ang gusto ng grupo.
Fatboy – kalbo rin ata siya. siya ang substitute ni spiky hair pag kinakailangan ng ibang gagawa ng punchline.

Sure akong magugustuhan mong tapusin ang libro pag nasimulan mo na. Ang problema na lang, kung pano mo sisimulan. Bigyan na lang kita ng motivation. Eto Trivia Questions:

  1. Bilangin kung ilang stick ng Isaw ang makikita sa libro.
  2. Bigyan ng ranking ang mga karakter base sa pagsasabi ng “Rakenrol”. Pinakamataas ang ranking ng pinakamaraming nasabi.
  3. Hanapin sa libro ang mga pangalan/nickname ng mga karakter. Andun lang yun, hanapin mo lang.

O pano? Hindi ko alam kung available pa ito sa mga bookstore, pero sure akong may mahihiraman ka. Get a copy now!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *