Daily Archives: 2010-10-16

Computer Chair

Computer chair na limang gulong ang ginagamit namin na upuan sa trabaho. Komportable ang bawat upuan, may tamang taas na armrest, at may sandalan na nari-recline. May sariling curve din ang sandalan para hindi sumakit ang lower back mo.

Over the years, nagkakaroon din ng wear and tear ang mga silyang ito. Kahit na malambot pa rin ang cushion nila, at nasa-korte pa rin ang curves, hindi maikakailang nasisira rin ang mga gulong. Hindi na sila ganoon ka mobile para i-usod mo at makapag kwentuhan ka sa katabi mo. Hindi na rin siya napagagamit na parang shopping cart kapag marami kang dala. Hindi na rin siya nagagawang skateboard na pag tinulak mo ng medyo mabilis na e sasakyan mo.

Teka, upuan ang purpose ng computer chairs na ito. Dinisenyo sila para komportable kang nakaharap sa computer mo at magtype ng blog.

Hindi dapat tayo umaangal sa kakulangan ng “extra feature” nito na may gulong. “Extra feature” lang yun.

Ganunpaman, naiintindihan ko ang importansya ng ganitong pagkakaroon nito ng limang gulong. Naiintindihan ko rin na kasama sa binili ng kumpanya ang “ease of movement” kapag gamit mo ang computer chair na ito. Naiintindihan ko ang pagiging special ng mga upuan na ito kumpara sa mga regular na upuan.

Ganun kasi tayo. Parati tayong naghahanap ng special. Parati tayong naghahanap ng extra feature. Nakakalimutan natin na ang essence ng isang chair ay naroon pa rin kahit nasira na ang mga gulong nito.

Lahat tayo ay naghahanap ng special something sa mga gusto natin sa buhay. Ganun talaga e.

Kanina, dumating si manong. May dala siyang mga extra na gulong. Tatanggalin ang mga sira at papalitan ng bago. Maliit na parte lang ang mga gulong pero babalik ang sigla ng buong computer chair kapag wala na ang mga sirang gulong.

Isa isa niyang ininspeksyon ang mga upuan para palitan ang mga sirang gulong. Gamit ang ordinary screwdriver, tinanggal niya ang mga sira. Gamit naman ang kanyang lakas sa pag-ire, kinabit niya ang mga bago.

Napalitan na ang mga sirang gulong ng mga computer chair sa amin. Meron na ulit silang ease of movement. Ang “extra feature” nila ay nakabalik na.

Ako, nagaantay lang ako ng taong magpapalit ng mga sirang gulong ko. Sure ako pag napalitan ang mga sira kong parte, magiging fresh as new rin ako, gaya ng mga sirang computer chair sa opisina namin.

Thanks to Timothy Dia for the image.