Monthly Archives: October 2010

2010 Barangay Elections

Nakakatuwa sa Barangay namin.

Kung sa iba, kaliwa’t kanan ang pangangampanya 10 days before the elections, sa aming barangay, tahimik. Makikita mo lang yung mga kumakandidato na kumakaway sayo- pero wala nang mga tarp, wala nang mga campaign jingle. Sure din akong walang bilihan ng boto.

Maliit lang ang barangay namin. Dalawang kanto lang ata, at medyo sikat din ang aming incumbent barangay kapitana. Kilala ko ang mga kagawad namin, pero hindi sa pangalan. Kilala ko lang sila sa mukha.

Kanina, pagkatapos ko mag lunch, naligo ako at nagpunta na sa Quirino School. Dun kasi ako boboto.

Pumasok ako sa room 312. Isa lang ang bumoboto nun, kaya mabilis lang ang naging proseso ko; check ng pangalan, thumbmark, kuha ng balota, upo sa armchair.

Tumingin ako sa kodigo.

Isa lang ang chairman na tumatakbo. Pito naman sa Kagawad.

Tinignan ko ang aking balota; kailangan ko ng pitong kagawad at isang kapitan.

Aba. simple lang talaga to. Hindi mo na kailangan pumili. Wala silang mga kalaban e. Sila-sila lang din.

Kaya ang ginawa ko, para maiba naman. Inuuna ko ang apelyido ng kandidato bago ang kanyang pangalan.

Tapos, pinagbali-baliktad ko na rin yung pagkakasunud-sunod ng mga kagawad. Alphabetical order kasi yung nasa kodigo. Ayoko mahalata ng COMELEC na nangongopya lang ako.

Sumatutal, panalo ang lahat ng binoto ko. Sure na yun. Di na ko magba-blog pag may iba pang nanalo.

Speaking of boto – balita ko, botong-boto sa akin ang parents mo a. So pano, tayo na ba?

*rakenrol*

Window ng FX

May sariling topak yung bintana ng FX namin. Yung sa passenger seat. Medyo diskaril na yung mga gears nun kaya hindi na kaya ng sariling mekanismo na maibaba ang bintana. Ang resulta: kailangan tulungan ng pwersa ng kamay mo manually.

Aminado naman ako na kadalasan e tinatamad ako. Pag magmamaneho ako at hindi ko balak mag-aircon, binubuksan ko ang bintana na walang tulong ng aking pwersa.

Kahapon, pagka-park ko sa 2nd floor ng building namin, sinubukan kong isara ang bintana. Inikot-ikot ko ang lever.

May lumagutok… Patay.

Inikot-ikot ko ulit.

Hindi Gumalaw ang bintana. Nasira ko ata.

Ginawan ko na lang ng paraan para magmukhang sarado. Inipit ko ang mga tshirt ko sa pinto para matakpan ang butas gawa ng sirang bintana.

Kaagad akong nagtxt sa tatay ko. Sinabi ko kagad ang nangyari.

Pag-uwi ko kinagabihan, sinalubong ako ng tatay ko. Pinagbuksan ako ng gate. Pinaalala ko sa kanya ang tinxt ko sa kanya. Sabi niya, bukas na lang daw niya aayusin.

Mahusay ang tatay ko magkumpuni ng mga nasisira namin. Kahit na parati niyang sinasabi sa aming magkakapatid na pag may pinasok kaming problema, hindi niya kami tutulungan na ma-solve ito, never pang nangyari na iwanan niya kami sa ere.

Well, kaninang umaga, bago ako maligo, inaayos na niya ang bintana. Bago ako umalis ng bahay, pinaalalahanan niya ulit ako kung paano isara ang bintanang iyon ng maayos.

So far, wala nang problema sa bintana ng FX.

Ang husay talaga ng tatay ko.

P:MM – Lucky 1

Christmas party namin nun. Grade 2. Walong estudyante: isang titser, ganyan ang ratio ng school namin na nasa first schoolyear pa lang ng operations.

Hindi ko sure kung nagkukuripot ang adviser namin at hindi kami kayang bigyan lahat ng regalo o trip niya lang talaga magpakulo. Pwede rin naman na hindi kasya sa budget niya, kaya ginawa na lang niyang raffle ang regalo niya sa amin.

Most probably, babae ang mananalo. Six out of 8 ang mga babae. Pero kinonsider pa rin ng titser ko ang 25% chance na lalaki ang mananalo kaya unisex na item ang premyo niya.

Isang malaking Unan na sobrang lambot. Makakatulong ito sa paglaki namin. Kailangan ng bawat bata ng sapat na oras nang pagtulog para lumaki ng tama.

Mahusay na sistema ang ginawa ng adviser namin. Kumuha siya ng walong papel at sinulatan ang isa ng “congratulations”. Ang pitong natira ay puros mga blangko. Nilagay ang mga piraso ng papel sa kahon at pinaikot sa aming mga magkakaklase.

According to height ang pagbunot ng papel. Last ako. Matangkad ako nung grade 2 ako kumpara sa mga kaklase ko. Hindi na ito totoo ngayon.

Bawat pagbunot ng mga nauna sa akin, at excited na pagbubuklat ng nakatiklop na papel, bumabakas sa mga mukha nila ang lungkot. Hindi nila nabunot ang “congratulations”.

Nagdududa na ang lahat. Mukhang stir lang si ma’am. Wala naman atang papel na may nakasulat na “congratulations”.

Pitong kaklase ko na lahat nakasimangot ang nakatingin sa akin. Ako ang huling pag-asa. Nangungusap rin ang mga mata ng titser ko na para bang sinasabing, “siguraduhin mong mabubunot mo ang congratulations. Ayokong magmukhang sinungaling”.

Ipinasok ko ang kamay ko sa kahon.

Kasama ang taimtim na pagdarasal namin lahat, binunot ko ang kahulihulihang papel.

Dahan-dahan itong binulatlat.

“CONGRATULATIONS”

Ang suwerte ko nga naman talaga. Naiuwi ko pa ang unan.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

How I Met…

I was invited to ETC and Nokia’s How I met Your Mother – Suit Up Party.The venue was at Members Only Bar, The Fort.

Freeing up my schedule for the night; I prepared my Tux, a black long sleeve party polo, red necktie, shined leather shoes, and texted my friends.

Too bad other friends are too scared of the storm. Only me and KnP#1 was able to go.

Bringing my usual ride and paying the parking fee, we went there and came in. We did not register at first because there was no one on the registration booth. Hell the storm was crazy outside, I bet the person manning the registration is still looking for his raincoat and windbreaker.

We stayed there for the night, got a couple of drinks. It’s open bar anyways. Then we watched the latest episode of the series, played a game about the Bro Code and drank Tequila, waited for my phone number to ring signaling that I just won a Nokia C3 and enjoyed the rest of the night.

I got home wasted.

I really love ETC events like this. Will watch out for the next.