Monthly Archives: November 2010

Healing

This is the time for it.

Kung computer geek ka, healing is moving a file to the virus vault and looking for a copy of the file which last worked before it got infected.

Kung Catholic ka naman, healing is is exercising the Sacrament of Reconciliation. Ito yung mangungumpisal ka ng mga kasalanan mo. Continue reading

we wanted it more

DLSU vs San Beda. Elite 8. PCCL. San Juan Arena.

Pano na to? Nasa strong side natin ang dambuhalang si Sudan Daniel. Sinubukan na ni Ferdinand mag spot at na block ang tira niya. Nag aerial rave na rin si Maui Villanueva pero hindi rin nagtagumpay, shot block pa rin ni Daniel.

Nakay Elorde ang bola. Nakadikit sa kanya ang bantay niya. Six seconds remaining sa shot clock. Walang oras to setup another play.

Puso lang ang pwede nating ipanlaban. Puso lang.

Nagdrive si Elopre. No choice. Kailangan banggain ang Afro-American na si Daniel.

Hindi gagana ang stop and pop. Hindi rin gagana ang aerial rave. Hindi ka si Macmac para mag tear drop; hindi mo specialty yun.

Inihagis ni Elorde ang bloa. Mataas, muntik nang tutumama sa board. Buti na lang hindi.

Natumba si Elorde, pero hindi naman dangerous ang pagkabagsak. Bahala na si Batman.

Puso lang ang inihain niya. Wala nang iba.

Pumasok ang bola. Naghiyawan ang Lasalle crowd.

After another hour, Lasalle posted the biggest upset of this Collegiate Basketball year. San Beda which was at 18-0 bowed down to a more determined yet injury-filled De La Salle.

And yes, we wanted it more.

Safe

White light/s. Kumabig pakaliwa. Hindi ako sinagasaan ng ilaw, buhay pa ako. Buti magaling ang nagmamaneho.

Revo nila Tita Dory yun, kapitbahay namin. Sasakyan ito ng kagawad. May magdadala na sa akin sa ospital.

Masakit pa rin ang mga lamanloob ko dahil sa impact ng bala. Gayunpaman, nagbigay ng lakas loob sa akin ang pagdating ng sasakyan na ito para itayo ang sarili ko at sumakay sa likod ng Revo. Inihagis ko na nga lang ang bag ko sa sasakyan. Sinamahan na rin ako ng isa pang kapitbahay na si Tito Jun.

Tatlong kanto lang, ospital na. Diretso ako sa ER. Stretcher ako all the way. Malamang naintindihan nila na hindi ko talaga kayang tumayo. Wala na akong chakra para makatayo pa.

Niri-reserba ko ang lakas ko para mag dial ng numbers sa cellphone ko at mag update ng facebook status ko gamit ang Ovi by Nokia.

Kinailangan ng ID. May passport ako sa bag.

Kinailangan ng pera sa ospital. Hindi libre ang mabaril. Buti na lang may MAXICARE.

Kinailangan malaman kung tinamaan ang kidney ko. Kinabitan ako ng catherer to check kung may dugo ang wiwi ko, wala naman.

Kinailangan sigurado na walang internal bleeding. Dalawang beses akong in-ultrasound, awa ng Diyos, wala silang nakitang bata sa tummy ko.

Kailangang ma pinpoint kung asan ang bala. Tatlong run ng X-ray sa ibat ibang anggulo.

Gising ako all the while. Ayokong ma miss out ang experience na ito. Nung unang beses na nasa ER ako ng ospital na ito, ilaw lang ang naaalala ko. This time, I need to make sure I know what is happening.

Sinigurado ko din na may TV sa kwarto ko para makanuod ng laban ni Pacquiao at Margarito.

Buhay pa naman ako hanggang ngayon. Dalawang araw lang ako sa ospital. Kahit na covered ng health card ang confinement ko, mas minabuti ko na makauwi na kaagad at makapag internet. Tutal, out of danger na naman ako e. Sumasakit pa rin ang muscles ko sa likod lalo na pag napwersa ang  katawan ko.

This has been the most memorable experience for me by far. Hindi ko masasabi na it’s a near death experience because my life didn’t flash before my eyes. I am still here for a purpose. But for now, rest muna. Kahit 30 days lang.

Still alive.
4th of 4
Ito ang kwento nang maholdap ako noong November 13, 2010.
Isinasalaysay ko lang kung ano ang aking naaalala.

Part 1 : Bad Feeling
Part 2: Harang
Part 3: Bigay Mo, Babarilin Kita
Part 4: Safe

Bigay mo, Babarilin kita

November 13, 2010. Saturday. 5am

“Bigay mo. Babarilin kita.” Mas malinaw na ang sinasabi niya ngayon. Holdap ang pakay niya. Siya lang ang lalapit. Sisiguraduhin ng mga kasama niya na wala nang tutulong at magpapakabayani.

Hindi sumagi sa isip ko na basta na lang ibigay ang gusto nila. Hindi ako makakapayag na magtagumpay ang mga kumag na ito. Kahit na lamang sila ng kaunti, hindi ako papayag na maisagawa nila ng maayos ang kanilang binabalak.

Napasigaw na ako ng malakas. Panic mode na to.

Sinabayan ko ang pagsigaw ng pagtakbo ko. Zigzag dapat. May baril kasi siya. At kung may haharang sa akin na kakampi niya, bibigyan ko ng ankle-breaking crossover move.

Natabig ko ata ang baril niya. Hindi ko alam.

All the while, sumisigaw pa rin ako.

May nakita akong isang sasakyan na nakaparada sa bangketa. Ito ang ruta na magliligtas sa akin. Thank you Lord. I need 7 steps to take cover.

Pag bunny hop ko papunta sa makipot na daan between the vehicle and the gate, may napansin akong tumama sa akin galing sa likod, nakaka 6 steps pa lang ako.

Makirot ang tinamaan. Parang may sumuntok din sa mga lamanloob ko.

Isa lang ang sigurado ako, tunay ang baril niya. Tinamaan niya ako sa may bandang spinal column. Pumasok mula sa kanang bahagi ang bala at nagbigay ng biglaang pressure sa aking internal organs sa bandang kaliwa.

Pero hindi ako sigurado kung kakayanin ko pa. Pag napuruhan ang spine ko, tutumba ako sa kasunod na landing step ng aking bunny hop.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Hindi ako tumumba. Buhay pa tayo.

Tinuloy ko ang pagtakbo. Tinaasan ko pa ng isang octave ang aking pagsigaw.”TULONG”. Apat sila; kailangan ko ng kakampi.

Swerte naman at may tanod sa outpost. Bumaba siya sa kanyang station. Sumi-silbato siya ng malakas. Mas malakas ng kaunti kumpara sa sigaw ko.

Hindi niya ako tinulungan.

Hinawakan ko ang makirot na parte na tinamaan ng bala. Double check ko lang kung may sugat. Naramdaman ko ang lapot ng aking dugo. Humiga na ako sa gitna ng kalsada. Pinagpatuloy ko pa ang pagsigaw. Natatalo ako ng silbato.

Hinihipan pa rin ng tanod ang kanyang whistle. Hinarap niya kung saan ang mga holdaper. Nang nilingon ko kung saan siya nagpunta, wala nang mga kalaban. Pero may mga usisero sa kabilang kanto.

Binalikan ako ng tanod.

Kasabay nito ang paglapit ng mga kapitbahay. “Ano nangyari?” “Bat ka nakahiga?” “Sino ka ba?”

Sinagot ko lahat ng tanong nila sa isang sentence lang.

“Naholdap ako, binaril ako, may tama ako sa likod, tumawag kayo sa bahay, dalhin niyo ako sa ospital, apo ako ni Judge De Leon.”

Nahihilo na ako ng mga panahon na yon. Ayoko mag blackout tulad ng una kong disgrasya.

Maraming nakapaligid sa akin. Walang nagtangkang itayo ako o hawakan ang alinmang parte ng katawan ko. Please naman tumulong kayo. Teka, gising na ba kayo? Alas singko pa lang pala ng umaga. Sorry sa abala.

Pero ano ito? White light? Papalapit sa akin? Mamamatay na ba ako?

Tapusin na natin to..
3rd of 4
Ito ang kwento nang maholdap ako noong November 13, 2010.
Isinasalaysay ko lang kung ano ang aking naaalala.

Part 1 : Bad Feeling
Part 2: Harang
Part 3: Bigay Mo, Babarilin Kita
Part 4: Safe