Book Review: Angels and Jejemons

RECOMMENDED ang libro na ito ng aking indirect Supervisor na si Belinda Perez. Paalis na ako ng opisina nun. Kasabay ng pagpasok ni Ms Bel, nakita kong nilabas niya mula sa kanyang magic bayong ang librong ito. Kilala daw niya personally ang author. Tom daw ang nickname ni Arnel Aquitania.

Na curious naman ako.

Sa kapal ng mukha ko, kinuha ko kagad ang libro. Matapos ko basahin ang backpage, nagpaalam ako kay Sup Bel na hihiramin ko ang libro for the Holiday weekend.

Walang siyang nagawa. Kinuha ko na ang libro e.

Pagtuntong ko sa bahay, nagresearch ako tungkol sa author. Wala akong nakita bukod sa Twitter account niya. Akala ko nga pen name lang niya ang Arnel Aquitania e. Wala kasi siyang wikipedia page. Katulad siya ni Manix Abrera na malamang kamag-anak at facebook friends lang ang nakakikilala.

Ang librong ito ang kasa-kasama ko sa sementeryo.

Sa malayo, mukha akong geek na nagbabasa ng libro ni Dan Brown sa gitna ng mga nitso. Pero pag nilapitan mo ako, mapapansin mo na paminsan-minsan e tumatawa ako na parang baliw. Actually, minsan ko lang ma-gets a ng comparisons niya. Medyo out of genre kasi yung ibang names na sinasabi niya e.

click the image to view facebook page

Inuulit ko, nage-gets ko naman kahit papaano.

Basta ito ang pinakatumatak sa isip ko nang matapos ko ang libro:

Si Jake Cuenca ang Kevin Garnett ng Philippine TV. Intense kung intense.

Marami pa siyang compare and contrast lines. Ganun din ako mag-isip e. Maraming simbolismo. Although mababaw na underlying facts ang ginagamit ng author, obvious ang reason ng comparison.

Maire-recommend ko lang ang librong ito sa mga tao na nasa late 20s at early 40s na mahilig sa pop culture buong buhay nila. Mas maiintindihan nila ang nakasulat kesa sa akin.

Nang binalik ko kay Sup Bel ang libro, sinabi niya na hindi rin daw niya gets lahat ng nakasulat. (Ganun din ang feeling ko nang binasa ko ang Angels and Demons ni Dan Brown). Dagdag pa ni Ms Bel na pag kasama nila itong si Tom, ganun din daw siya magsalita.

Yung ang motto ko sa pagsusulat a. You should write in your vernacular. Kung pano ka mag-isip, ganun ka din dapat magsulat.

0 responses to “Book Review: Angels and Jejemons

  1. Eto na naman tayo.

    “You should write in your vernacular.”
    Haha.

    Trip ko Jessica Zafra. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *