Mabilis ang karma

Iba na ang shift ko ngayon. Pang gabi na ako. Nadarama ko na ngayon ang scarcity ng Free Parking sa office namin. Nakakainis dahil dalawang beses na akong tumatapat sa guard house; dalawang beses na rin akong nasasabihan na wala nang slot.

O baka tini-trip lang ako ng mga gwardiya. Di ko alam.

Anyway, napipilitan akong mag park sa likod ng opisina namin. May bayad ang parking dun. 30 pesos for the first 3 hours, 10 pesos per succeeding hour.

Masakit sa bulsa kapag 9 hours ka sa trabaho. Pero ganun talaga.

Nung paalis na ako sa parking kahapon. Nadatnan ko na natutulog ang bantay. Nahihiya naman akong bumusina. Hindi ko na siya ginising. Umalis na lang ako na hindi nagbabayad.

Mabilis talaga ang karma.

Pagpasok ko kasi sa garahe namin sa bahay, naipit ang middle finger ko sa gate. Namuo ang dugo sa loob. Masakit siya. Masakit na hindi ako makapaglaro ng Starcraft 2 nang maayos.

Kaya kanina. Nung paalis na ako sa parking, ginising ko talaga ang bantay. Binigyan ko ng matinding flashing headlights dahil hindi nga ako mahilig bumusina. Na-gets naman niya at bumangon siya para singilin ako.

Nagbayad ako ng doble dahil naalala niya rin na hindi ako nagbayad kahapon.

Siguro, kung tinakasan ko ulit ang parking fee, putol na ang middle finger ko ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *