Memory Miyerkules: Disgrasya

image from http://busogpalaso.blogspot.com/

Mga 5 years old ako nun. Up and down kasi ang bahay namin sa Sta.Mesa. Naglalaro kaming magpipinsan sa ground floor. Nang medyo matapos na ang laro, umakyat na sila sa 2nd floor. Naiwan akong mag-isa sa baba. Nawalan ako ng kalaro.

Inggitero ako nung bata ako. Kung kaya ng mga mas nakakatanda sa akin, sinisigurado ko na kaya ko rin.

Pinanood ko ang mga nakakatanda kung paano sila umakyat sa hagdan. May railings sa magkabilang side ang hagdan namin sa bahay. Pag umaakyat sila, nakahawak sila sa magkabilang railings. Abot kasi ng mga braso nila yun.

“Kaya ko rin yun,” sabi ko sa sarili.

Sinubukan ko gayahin ang manner ng pag-akyat nila. Mabilis silang umakyat e.

Humakbang ako ng una, simple lang pala to. Humakbang ako ng pangalawa, kayang kaya. Pangatlo, walang problema.

Sinubukan ko naman ang manner ng mga braso. Amputek, mahirap pala to.

Maiksi pa ang wingspan ko noon. Sa iksi nito, hindi ko kayang mahawakan ang magkabilang railings. Nag-focus ako sa ginagawa ko. Ini-unat ko ang magkabilang braso.

Hindi ko talaga kayang abutin pareho.

Then, nagblack out ako.

The next thing I remember, nakahiga ako sa isang higaan. Maingay ang paligid. May nakatutok sa akin na isang set ng bumbilya. May tela din sa mukha ko sa may bandang mata. Napapikit na lang ako pagkatapos.

Pagkagising ko, may tahi na ako sa may left eyebrow. 5 stitches daw yun sabi ng nanay ko. Nahulog pala ako sa hagdan.

Ito ang kauna-unahang disgrasyang naaalala ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *