Break muna tayo sa holdap experience.
Harry Potter weekend ngayon. Part 1 ng Finale ng Harry Potter series. Pinanuod ko kanina ang movie kasama ang mga Kampeon. Sa Glorietta kami nanuod kung saan may libreng Oishi Ridges at Real Leaf Tea.
Negatives
Ayoko talaga makinig sa mga Englishmen. May kakaiba silang accent at parang kinakain ang mga salita. Opinion ko lang po ito, wag sana silang magalit. Hindi kasi ako sanay sa english na hindi neutral ang accent. Wish ko lang talaga, may subtitle.
Dragging din ang mga dialogue scenes ni Hermione at ni Harry. May mga tatlo hanggang apat ata silang ganun. Boring talaga ang buhay kapag walang laughing stock. Buti na lang andyan si Ron para medyo gawing masaya ang movie.
Positives
Bet ko ang mga fight scenes. Pag tinira ka gamit ang mga wand, parang may nababasag. Maganda din ang mga duelo. Kung totoo man ang ganitong mga wizard, dapat nagdadala ako ng wand pag pauwi ako from work para may panlaban ako sa mga holdaper.
Gustung gusto ko rin si Dobby. Maganda yung monologue niya sa bandang dulo ng movie. Too bad he has to die.
Overall
I will give this movie 7.5 out of 10. Iba na kasi ang feel niya compared sa mga naunang Harry Potter movies. The theme is too dark. Kawawa yung mga under 13 years old na nanuod. Hindi sila maka-relate.
Can’t wait for the next insertion. Tapusin na natin to kagad.