DLSU vs San Beda. Elite 8. PCCL. San Juan Arena.
Pano na to? Nasa strong side natin ang dambuhalang si Sudan Daniel. Sinubukan na ni Ferdinand mag spot at na block ang tira niya. Nag aerial rave na rin si Maui Villanueva pero hindi rin nagtagumpay, shot block pa rin ni Daniel.
Nakay Elorde ang bola. Nakadikit sa kanya ang bantay niya. Six seconds remaining sa shot clock. Walang oras to setup another play. 
Puso lang ang pwede nating ipanlaban. Puso lang.
Nagdrive si Elopre. No choice. Kailangan banggain ang Afro-American na si Daniel.
Hindi gagana ang stop and pop. Hindi rin gagana ang aerial rave. Hindi ka si Macmac para mag tear drop; hindi mo specialty yun.
Inihagis ni Elorde ang bloa. Mataas, muntik nang tutumama sa board. Buti na lang hindi.
Natumba si Elorde, pero hindi naman dangerous ang pagkabagsak. Bahala na si Batman.
Puso lang ang inihain niya. Wala nang iba.
Pumasok ang bola. Naghiyawan ang Lasalle crowd.
After another hour, Lasalle posted the biggest upset of this Collegiate Basketball year. San Beda which was at 18-0 bowed down to a more determined yet injury-filled De La Salle.
And yes, we wanted it more.