Healing

This is the time for it.

Kung computer geek ka, healing is moving a file to the virus vault and looking for a copy of the file which last worked before it got infected.

Kung Catholic ka naman, healing is is exercising the Sacrament of Reconciliation. Ito yung mangungumpisal ka ng mga kasalanan mo.

Hindi man obvious, panahon na ng Pasko. Siguro, handa ka na sa mga ipanreregalo mo. Siguro, na-book na ng barkada ninyo ang hotel kung saan gaganapin ang inyong Christmas Party. Siguro, may kris kringle na sa office ninyo. Nakabili ka na rin ng mga damit na isusuot mo sa bawat araw ng simbang gabi.

Pero ang tanong ko sayo, nakapag-healing ka na ba?

Alam kong maraming tao ang kagaya ko na busy o nagbi-busy-busyhan. Maraming nagsasabi na ang pag-scan ng aking computer ay aksaya sa oras dahil gumagana pa rin naman ang mga applications ko. Wala namang problema sa paglalaro ko ng Starcraft, pag run ko ng torrent, pag launch ko ngĀ  Yahoo Messenger at pag login ko sa Facebook. Pero sa minsan na mag-scan ka, dun mo malalaman na marami palang threat at virus sa computer mo. Kailangan mong isa-isahin ang mga ito at ayusin. Hindi mo na dapat antayin na masira ang computer mo.

Tingin ko, ganun din dapat ang gawin natin sa buhay natin. Huminto muna tayo sa mga gawain, mag-reflect. Tignan kung may mga mali, at ayusin ito. Wag na sana natin antayin na mabaon tayo sa kalugmok-lugmok na sitwasyon kung saan hindi na tayo makakabangon.

Ano nga ba ang schedule ng kumpisalan?

Teka, kelan ka ba huling nakabisita sa simbahan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *