Monthly Archives: November 2010

Harry Potter weekend

Break muna tayo sa holdap experience.

Harry Potter weekend ngayon. Part 1 ng Finale ng Harry Potter series. Pinanuod ko kanina ang movie kasama ang mga Kampeon. Sa Glorietta kami nanuod kung saan may libreng Oishi Ridges at Real Leaf Tea.

Negatives

Ayoko talaga makinig sa mga Englishmen. May kakaiba silang accent at parang kinakain ang mga salita. Opinion ko lang po ito, wag sana silang magalit. Hindi kasi ako sanay sa english na hindi neutral ang accent. Wish ko lang talaga, may subtitle.

Dragging din ang mga dialogue scenes ni Hermione at ni Harry. May mga tatlo hanggang apat ata silang ganun. Boring talaga ang buhay kapag walang laughing stock. Buti na lang andyan si Ron para medyo gawing masaya ang movie.

Positives

Bet ko ang mga fight scenes. Pag tinira ka gamit ang mga wand, parang may nababasag. Maganda din ang mga duelo. Kung totoo man ang ganitong mga wizard, dapat nagdadala ako ng wand pag pauwi ako from work para may panlaban ako sa mga holdaper.

Gustung gusto ko rin si Dobby. Maganda yung monologue niya sa bandang dulo ng movie. Too bad he has to die.

Overall

I will give this movie 7.5 out of 10. Iba na kasi ang feel niya compared sa mga naunang Harry Potter movies. The theme is too dark. Kawawa yung mga under 13 years old na nanuod. Hindi sila maka-relate.

Can’t wait for the next insertion. Tapusin na natin to kagad.

Harang

November 13, 2010. Saturday. 4am

Ugali ko ang umuwi kaagad pagkatapos ng trabaho. Ngayong single ako, wala akong dahilan para mag lamierda. May kasabay naman ako lumabas ng opisina kapag 4am.

Wala nga pala akong sasakyan. Kailangan ko mag commute. Ang ruta na dalawang sakay ang tatahakin ko. Isang bus papuntang Boni. Isang jeep papunta sa kanto ng 3rd St. Sapat na ang bente pesos para dun.

Matapos makipagkwentuhan ng kaunti sa mga kasama sa opisina, bumaba na ako. Nagsuot ng earphones at nilagay sa Love Radio ang FM station. Nilakasan ko pa ng kaunti para hindi ako makatulog sa biyahe.

Pagbaba ko ng bus sa may Boni. Naisip ko na mag withdraw muna. Sweldo kasi namin nun. Baka kasi kailangan na ng panggastos sa bahay. Mabuti na ang may pera na maiabot kesa matagalan pa. Ganun din naman ang resulta, babayaran din naman ang ilaw, tubig, etc. etc. etc.

Naglakad ako hanggang sa sakayan ng jeep. Sumakay ako sa nag-aantay na biyaheng Boni-StopNShop. Kahit hindi puno ang jeep, lalarga si manong. Aabutin pa ng kalahating oras pag iintayin pa namin mapuno ang jeep. Baka antukin kami lalo.

Mabilis magpatakbo ang driver. Hindi ko alam kung natatae lang siya o ganun talaga siya magpatakbo.

Matapos ang halos dalawampung minuto ng paglalakbay, pumara ako sa kanto ng 3rd st. Bumaba at nakipagpatintero sa mga truck na dumaraan. Hinawakan ko ng mabuti ang mga gamit ko dahil baka liparin ng kung anong masamang ihip ng hangin. Naglakad na ako pababa ng 3rd st. Tatlong kanto na lang, bahay na namin.

Pag kaliwa ko sa dulo ng 3rd st. Napansin ko ang mga nakaparada na sasakyan. May tao din sa Outpost sa kanto. Medyo madilim pa ang paligid kahit 5am na.

Hindi pa ako nakakalayo sa 3rd st. May motor na bumagal sa tabi ko. Dalawa silang nakasakay. Hinayaan ko lang.

May kasunod silang motor. Dalawa rin ang nakasakay. Huminto ito sa may bandang 2 o’clock ko. Bumaba ang backride. Napahinto ako ng lakad.

Kinawayan ako nung bumaba. Nagsasalita siya. Hindi ko naiintindihan dahil naka earphones ako. Pilit kong binabasa ang bukambibig niya. Hindi siya naka helmet.

Wala pang tatlong segundo,  nakapaglabas siya ng baril galing sa may bandang harapan ng shorts niya. Naitutok niya iyon sa leeg ko. Naging klaro lang ang sinasabi niya dahil malapit na siya at natanggal ko na rin ang earphones ko.

“Bigay mo. Babarilin kita.”

itutuloy pa ulit…
2nd of 4
 
Ito ang kwento nang maholdap ako noong November 13, 2010.
Isinasalaysay ko lang kung ano ang aking naaalala.

Part 1 : Bad Feeling
Part 2: Harang
Part 3: Bigay Mo, Babarilin Kita
Part 4: Safe

Bad Feeling

November 12, 2010, Friday.

7pm ng gabi ang pasok ko. Dapat gising na ako 2 hours before para mag ayos. Kaso, tinanghali ako ng gising; 5.38pm na nang magising ako. Para mabawi ang nasayang na oras, bumangon kagad ako at nagmadaling maligo.

Hindi na ako nagbasa ng buhok. Although alam kong aatekihin ako ng problema ko sa ulo na kung tawagin e dandruff, minabuti ko parin na mag half bath na lang. Makakapagshampoo pa naman ako bukas e. Hindi na rin ako nakapag Cream Silk conditioner. Buhos, sabon sa katawan, banlaw – ayos na yun.

Within 21 minutes, nakabihis na ako.

Gugutumin ako neto sa trabaho. Kahit may possibility na ma-late ako sa trabaho, kumain pa rin ako ng 5-minute Breakfast pag patak ng alas sais ng gabi. Baliktad talaga ang mundo sa call center.

Coding ang sasakyan kapag Friday. Hindi ko pwedeng dalhin dahil hanggang 7pm pa coding. Kailangan kong mag-commute. It has been 2 weeks since last akong sumakay ng Jeep. This feels very different.

Apat na salin sa jeepney ang sasakyan ko. Hindi ko pa naman alam ang traffic ng ruta ng bawat jeep sa oras na yun. Dalawang beses ata akong sumabit sa jeep na puno na ng pasahero. Alam ko mali-late ako pero it is worth a try.

Pagbaba ko sa kanto ng Urban Drive, kailangan ko pang maglakad ng almost 130 meters para makarating sa office namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone kong Nokia c3. 6 minutes before 7pm. Mali-late ako kung maglalakad lang ako.

Runner ako, ano pa ba ang gagawin ko kundi tumakbo.

Within 2 minutes, na-cover ko ang distance. Within 3 minutes, nakapagpacheck ako ng bag sa guard at nakasakay sa elevator. Within the next minute, nakarating ako sa station ko para mag login. This feels really strange, hindi ako na-late kahit ang computation ko sa utak ko e mali-late ako.

Tuloy lang ang trabaho. Ubusin ang inquiries ng customer. Yan ang trabaho ko ngayong backoffice agent na ako.

Ugali din namin sa team magkwentuhan ng kaunti sa floor kapag nauubos namin ang trabaho. Nakakatuwa naman kasi ang mga kasama ko dahil may kanya-kanya kaming problema na gustong i-share. Basta ako, ang pinakanatatandaan kong problema ko, kung paano ko gagamitin ang mga natitira kong leave sa work. Wala nang leave allocation para sa akin. Patapos na rin ang taon at baka hindi ko pa magamit ang paid leave ko.

Wala naman akong planong magkasakit. Pero iba pala ang plano ng Nakatataas para sakin.

itutuloy…
1st of 4
Ito ang kwento nang maholdap ako noong November 13, 2010.
Isinasalaysay ko lang kung ano ang aking naaalala.

Part 1 : Bad Feeling
Part 2: Harang
Part 3: Bigay Mo, Babarilin Kita
Part 4: Safe

Memory Miyerkules: Disgrasya

image from http://busogpalaso.blogspot.com/

Mga 5 years old ako nun. Up and down kasi ang bahay namin sa Sta.Mesa. Naglalaro kaming magpipinsan sa ground floor. Nang medyo matapos na ang laro, umakyat na sila sa 2nd floor. Naiwan akong mag-isa sa baba. Nawalan ako ng kalaro.

Inggitero ako nung bata ako. Kung kaya ng mga mas nakakatanda sa akin, sinisigurado ko na kaya ko rin.

Pinanood ko ang mga nakakatanda kung paano sila umakyat sa hagdan. May railings sa magkabilang side ang hagdan namin sa bahay. Pag umaakyat sila, nakahawak sila sa magkabilang railings. Abot kasi ng mga braso nila yun.

“Kaya ko rin yun,” sabi ko sa sarili.

Sinubukan ko gayahin ang manner ng pag-akyat nila. Mabilis silang umakyat e.

Humakbang ako ng una, simple lang pala to. Humakbang ako ng pangalawa, kayang kaya. Pangatlo, walang problema.

Sinubukan ko naman ang manner ng mga braso. Amputek, mahirap pala to.

Maiksi pa ang wingspan ko noon. Sa iksi nito, hindi ko kayang mahawakan ang magkabilang railings. Nag-focus ako sa ginagawa ko. Ini-unat ko ang magkabilang braso.

Hindi ko talaga kayang abutin pareho.

Then, nagblack out ako.

The next thing I remember, nakahiga ako sa isang higaan. Maingay ang paligid. May nakatutok sa akin na isang set ng bumbilya. May tela din sa mukha ko sa may bandang mata. Napapikit na lang ako pagkatapos.

Pagkagising ko, may tahi na ako sa may left eyebrow. 5 stitches daw yun sabi ng nanay ko. Nahulog pala ako sa hagdan.

Ito ang kauna-unahang disgrasyang naaalala ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.