Monthly Archives: December 2010

year 2010 in review

Dalawang tulog na lang, tapos na ang 2010. Isang taon na naman ang nakalipas. Maraming nangyari sa buhay ko. Yung first half ng taon ay sobrang saya. Hindi lang maganda ang tapos pero overall, it was a very good experience. Although, hindi ko maire-rekomenda para sa inyo ang buhay ko. Baka hindi ninyo kayanin.

Ayoko na isa-isahin pa ang nangyari. Dalawang bagay lang ang naging remarkable. Una ay yung nagpalit ako ng status sa facebook. Pangalawa e yung nabaril ako ng holdaper. Hindi ko alam kung parehong good news, parehong bad news, o yung isa ay good at yung isa naman ay bad. Ito lang ang sure ako: lahat ng tao ay minsang nagpapalit din ng facebook status, pero hindi lahat ng tao ay nakaka-recover sa tama ng bala.

Balikan na lang natin ang To Do List ko noong 2010. Update ko na rin para makita natin kung successful ako for the year.

2010 TO DO LIST

1) Makakuha ng Driver’s License. – DONE

2) Mas kumita pa ng mas maraming pera kumpara sa 2009. – CHECK

3) Makabili ng laptop or mabuo yung isa pang desktop PC sa bahay. – DONE. Hello Qarla

4) Makapagpa-stable ng aking Savings Account na at least 50k ang laman. =) – Ouch, wala ako neto.

5) Makapag detoxify ng body.. ahahaha. – nakalimutan ko ata.

6) Makapunta sa Boracay or sa Bohol. – Boracay! Ayus!

7) Makapagpa-party para sa High School Alumni namin. – Kung hindi pa ko nabaril, di ko pa to nagawa.

So as a whole, meron akong score na 5 out of 7. Not a bad number pero mas ok sana kung lahat ay nagawa ko. Minor fail lang naman ang detoxification ng katawan. Spa lang ang katapat nun. Pero yun 50k; pagtitipid ata ang solusyon.

Half of me regrets living in 2010. Kung pwede lang sana, tapusin na natin ang kwento noong birthday ko. Pero ganun talaga e. Di bale na. May mga nangyari na sobrang dami kong aral na napulot.

Wish ko lang, everything will be better by 2011.

Memory Miyerkules Perfect

Grade 2 ako noon. First quarter examinations. Ang unang exam namin sa Day 1 e Christian Living. Kasama sa pointers ang kanta na “12 Apostles”.

Hindi talaga ako magaling sa memorization. Para sa akin, mas gugustuhin ko pa ang numbers dahil sampu lang ito kumpara sa letters of the alphabet na 26. Mas nadadalian ako sa Math kesa sa English.

So hinaluan ko ng Math ang pagkakabisa ng 12 Apostles. Hindi ko alam ang tono kaya para akong nagra-rap sa kama ng parents ko habang kinakabisado ko ang mga pangalan nila.

Promise, hanggang ngayon, kapag ipina-enumerate mo sa akin ang mga pangalan ng 12 apostles; maibibigay ko lahat.

Pagdating ng exam. Kasama sa mga tanong yung mga pangalan nun 12 apostles. Twelve points kagad yun. More than 10% ng grade ko for the quarter, covered ko na.

At hindi lang yun, meron pang pampuno na “For 13 points, what is the message of the 2nd stanza of the song: 12 apostles”.

Nakanamputs. Hindi ako ready sa tanong na yun.

Buti na lang, magaling ako mag-imbento. Binigyan ko ng sagot na, >the song invites us to be apostles in our own ways< Bahala na si Batman.

E chumamba. Medyo pasok ang sagot ko sa lyrics na “We are called too, I am one are you?” Binigyan ako ng full 13 points.

At siyempre, dahil likas akong mahusay, perfect na ang the rest of the exam. Ang husay ko talaga. Unang test sa aming first quarterly exam ay na-perfect ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Book Review: ang mga kaibigan ni mama susan

Ito ang ikawalong Libro ni Bob Ong. Released lang this month. Buti nakahiram agad ako ng kopya.

Tutal Christmas season naman, maganda itong ipan-regalo sa mga Bob Ong fanatics. Yung mga wala pang regalo sakin, pwede na to. Available sa National Bookstore. Php150. May presyo pa kasi sa likod yung nahiram ko e. Kulay purple ang cover at madaling hanapin.

Not your usual Bob

Iba ang style na ginamit ni pareng Bob dito. Walang prologue at epilogue. Journal writing ang style. Yung unang 20 pages nga, naisip ko na kaya ko rin gumawa ng ganito kung parang blog writing lang din ang theme.

Pero mali ako.

Habang nagpapatuloy ako sa pagbasa, nabubuo sa isip ko ang isang Blair Witch Project. Creepy siya sobra. Hindi ganun kadali ang pagsulat ng buhay na hindi naman sayo. Pero baka napulot lang ni Bob Ong ang journal ng tunay na nagsulat at inangkin na lang ng ating idol ang honor. Hindi ko alam.

Second Time

Masasabi ko na ito ang pangalawang libro ni Bob Ong na hindi ko tinapos. Yung “Bakit Baliktad…” hindi ko yun tinapos dahil nainis lang ako sa pagiging TRUE ng mga stereotypes sa pinoy. Dito naman, hindi ko talaga tinapos dahil sobrang creepy niya.

Kung sinehan ito, nauna na akong kumaripas papalabas ng movie house.

I dare you, tapusin mo basahin ang libro. Bibigyan pa kita ng extra credit kung babasahin mo ang librong ito “Out Loud”. Ipapaputol ko ang daliri ko sa paa kung babasahin mo ang libro “Out Loud” sa isang upuan lang.

I missed one

Naka-miss ako ng isang simbang gabi. Nakakainis.

Hindi ako nakapagsimba nung 4th day. May Alumni party kasi the day before. Tapos, nagkayayaan uminom. Pinilit ko lang ang sarili ko na makasama sa after party kahit alam kong 2.30pm pa lang, wala na akong chakra. Tatlong bote lang ng Manila beer, tumumba na ako.

So ayun, pagdating sa bahay sa Pacita, diretso tulog. Naalimpungatan naman ako bandang 5am, at alam ko rin na may simbang gabi ng 5.30am. Nung sinubukan ko bumangon, hindi ko talaga kaya.

Nagdasal na lang tuloy ako. Isang mataimtim na pagdarasal. Pagpapasalamat sa panibagong buhay na ibinibigay sa akin ngayon.

Well, naka-miss man ako ng isa, itutuloy ko pa rin ang pagtapos ng simbang gabi. Huling araw na bukas. I will make sure na makaka-attend ako. Sayang ang blessings. Iniaabot na sa iyo, hindi mo pa ba kukunin?

Para sa akin, hindi sapat na tumigil ka ng takbo dahil nadapa ka.