Crash

Nasa mall ako nung isang araw. Bibili sana ako ng damit para sa mga party na pupuntahan ngayong Christmas season. Iba talaga pag ang gamit mo ay bago kapag Pasko. Pero hindi ako nakabili.

Paano naman kasi,  napadaan kami sa isang Toy Store. Kasama ng dalawa pang friends, nilibot namin ang store. Andaming naka-sale na mga laruan. Tatlo na ata ang inaanak ko na kailangan kong bigyan ng regalo ngayong Pasko. Teka, apat ata sila. Isusulat ko nga mamaya kung sinu-sino sila para hindi ko makalimutan.

SO eto na, nasa toy store na kami. Nabanggit ng isa kong kasama na bumili siya a month ago ng helicopter. 1 Thousand ata ang bili niya noon. Naka-sale ngayon kaya halos 800 na lang. Pero hindi daw ganun kaganda kasi mahirap daw kontrolin. Kung buhay mo ay parang helicopter, malamang napariwara ka na.

Challenging….

Naghanap ako ng sarili kong helicopter. Nakakita ako ng medyo gawa sa aluminum, at medyo may kamahalan. Matapos i-testing, binili ko ito gamit ang aking BPI credit card. Bahala na sa bayaran, may 13th month pay naman.

Pag-uwi sa bahay, sinubukan ko kagad paliparin. Nagtagumpay naman ako ng kaunti pero sunud-sunod ang pagbagsak ng helicopter. May mga pagkakataon na biglaan siyang umaangat at mawawalan ng signal sa remote kaya babagsak na lang. Minsan din siyang tumatama sa pader kaya nawawalan ng control at lumalagapak na lang sa lupa.

Pangatlong araw na kong nagpapalipad ng helicopter ngayon. Hindi pa ako ganun kagaling. Pero nasisiguro ko na sa constant practice, makukuha ko rin ito ng tama.

At dapat talaga, marunong kang mag-pasensya.

0 responses to “Crash

  1. Yes, I always buy new clothes for myself for Christmas (even if I’m not going to any fancy parties). It just feels nice to get dressed well during Christmas. 🙂

    Nice toy. The geek in me totally approves. 😛

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *