Memory Miyerkules SEB on Immaculate Concepcion

Eto blogpost ko sa tabulas noong December 2005. Tamad ako e, kaya re-post ko na lang for this week’s Memory Miyerkules.

hehe… ate joy, 830 daw.. tapos inusog ng 9am. tapos, late pa rin. buti na lang nariyan ang black nazarene to keep me company. simula pa lang ng araw excited na ako.

so nag-antay ako. homily na ata nun nang dumating ang ka-seb ko. upo daw muna kami, at doon niya lang naalala na Dec. 8 nga pala nun. buti na lang pala niyaya ko siya magsimba muna upang linisin ang aming mga kaluluwa.

so, jollibee after, gutom kasi siya. at syempre, siya ang taya. bat naman ako magbabayad e samantalang siya itong nagtatrabaho. isa pa, siya naman ang nagyaya, sumama lang ako. taga-bitbit lang naman ang role ko. after ng kain, sakay ng jeep at deretso na sa pupuntahan.

maingay ang divisoria, masikip, pero hidni pa kami nakakarating, nakapamili na kaagad si ate joy. asa loob na kagad siya ng isang tindahan at namimili. syempre, back up lang ako. ganun din ang nangyari sa ibang mga lugar. at natutuwa ako dahil mabilis si ate pumili ng gusto niya.

tapos, kumain sa chowking. favorite part ko ito dahil sobrang busog ako. at syempre, dahil nilibre ni ate. pagpila lang sa counter ang naging role ko. mas masaya ka-date ang mga babae na nagbabayad kesa sa mga babae na aasa pa sa lalaki pagdating sa paglalabas ng pera. may hopia pa ako at chicharap na binigay sa mga kampeon bago kami nag 6-12 dota. ok naman dahil 2-2 ang record namin for the day.

so next time, sa isang mas tahimik na lugar naman ang seb. sa isang lugar na makakarinig ka ng tili ng babae na parang humihingi ng saklolo. kingkong and drama. hehe.. gateway daw. sana matuloy.

Kung naintindihan mo ang blogpost. SEB means Shopping Eye Ball. Kaw? kelan ka mag sa-shopping for Xmas season?

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

0 responses to “Memory Miyerkules SEB on Immaculate Concepcion

  1. aabangan ko ang mga projects mo. LOL

  2. aabangan ko ang mga projects mo. LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *