Weak

Hindi na talaga ako ganun kalakas. Kunsabagay, kagagaling ko lang sa 30-day hiatus.

Nagkaron kasi kami ng Alumni Party sa Laguna last dec18. Being the president, kinailangan kong ayusin at patakbuhin ang event. Simula sa pagplano, sa pera, lahat. Ok naman din ang kinalabasan.

Pero nagkaproblema lang ako. til 4pm dapat ang party. 2.30pm pa lang, pagod na pagod na ang katawan ko. Pinaubaya ko na kay Xyla ang pagpapatakbo ng party. Bumalik na lang ako para ipamigay ang raffle prizes, then uwian na.

Pero hindi pa ako kaagad umuwi. Kumain muna kami ng cake sa Pacita bago pumunta sa Coco. Wala akong tulog. After ilang bote ng beer, nagsuka na ako. Wala rin akong masuka na matino dahil cake lang ang kinain ko. Hindi ko na rin natikman yung Baccardi – Apple.

Ganun talaga. Puso na lang ang ginamit ko after 2.30pm. Puso na lang ang bumuhay sa akin. Well, confident naman ako na hindi ako mapapahamak dahil kasama ko ang mga taong pinagkakatiwalaan ko.

And the best part, may magandang insights and advise akong nakuha mula sa mga tao. Maraming salamat sa pagmonitor ng buhay ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *