I missed one

Naka-miss ako ng isang simbang gabi. Nakakainis.

Hindi ako nakapagsimba nung 4th day. May Alumni party kasi the day before. Tapos, nagkayayaan uminom. Pinilit ko lang ang sarili ko na makasama sa after party kahit alam kong 2.30pm pa lang, wala na akong chakra. Tatlong bote lang ng Manila beer, tumumba na ako.

So ayun, pagdating sa bahay sa Pacita, diretso tulog. Naalimpungatan naman ako bandang 5am, at alam ko rin na may simbang gabi ng 5.30am. Nung sinubukan ko bumangon, hindi ko talaga kaya.

Nagdasal na lang tuloy ako. Isang mataimtim na pagdarasal. Pagpapasalamat sa panibagong buhay na ibinibigay sa akin ngayon.

Well, naka-miss man ako ng isa, itutuloy ko pa rin ang pagtapos ng simbang gabi. Huling araw na bukas. I will make sure na makaka-attend ako. Sayang ang blessings. Iniaabot na sa iyo, hindi mo pa ba kukunin?

Para sa akin, hindi sapat na tumigil ka ng takbo dahil nadapa ka.

0 responses to “I missed one

  1. speaking of simbang gabi, nakumpleto ko ang Misa de Gallo, kahit 4:00 am to 5:00 ang Misa, sinikap ko tlagang kumpletuhin dahil alam ko na mrami na kong utang sa kanya. Pano ba yan, may isang wish ako, hehehe! But I believe na “hindi mo na kailangan kumpletuhin ang simbang gabi para lang makapag wish sa kanya, kc everyday naman pwede tayong mag wish”

    Merry Christmas to all!! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *