Monthly Archives: January 2011

Havaianas "Always Summer" Launch

Manila Polo Club, Banyan Tree Garden. First time ko makapasok sa lugar na to. Wala naman kasi ako kakilalang member ng club. At pangarap ko rin makapag-laro ng Polo.

Ang pakay namin sa lugar na yun e para makipag-kulitan sa Havaianas team. This 2011, they are giving us the idea that summer is not a season, it is an attitude. Parang familiar lang yung “______ is an Attitude” a. Nabasa ko na yun somewhere.

Well, tama nga naman sila. Summer is the hottest season, and if you want to be always hot, dapat “Always Summer”.

Meron nagzi-zip (Poi ata ang tawag dun), meron reggae music (beach music) at syempre pagkain. Enjoy sobra.

And finally, nakabalik at nakita ko na ulit ang blogging community. They helped me recover through prayers nung nabaril ako. Loads of thanks to all of them.

May Race to Hawaii contest din sila. Pero discus natin sa susunod. Di ko maalala ang full mechanics e.

Eto na lang pictures.

everybody register

NASAN ANG TSINELAS KO!!!

Eat NA

The band wears Flip Flops

The band wears Flip Flops

* All photos are clickable to get to my Havaianas “Always Summer” Launch photo album in Facebook.

** Double thanks to GeislerMaclang for the invite.

Memory Miyerkules Unang Text Message

High School 2nd year. Kabibili lang ng tatay ko ng isa pang cellphone. Nakalimutan ko na kung san niya nabili pero ang alam ko, binili niya iyon para magamit ng nanay ko.

Hindi kasi ako ang una sa klase namin na nagkacellphone. Sa totoo lang, isa ako sa mga huli nang nagkaroon ng sariling number. Nakikitext lang ako sa nanay ko. Minsan, ang lumalabas ay parang ako na rin ang mayari.

Pero first time ito. Wala atang marunong sa amin gumamit.

So hiniram ko na kagad ang cellphone ng nanay ko. Sinaksak ang bagumbagong SIM Card.

Binuksan ko kaagad para magcompose ng message.

Air-con ang sasakyan namin pero hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.

Pawis na pawis. Kabadong-kabado. Hindi ko alam ang pipindutin sa keypad. Hindi ako nagtatanong sa nanay ko kung pano pumindot ng cellphone.

Pinagana ko na lang ang aking common sense.

Dalawang pindot sa number 5 para sa letter K. Dalawang pindot sa number 8 para sa letter U.

Medyo kuha ko na. Konting practice pa.

Isang pindot sa number 6 para sa letter M.

Mahirap pala ito.

K-U-M-U-S-T-A ?

Hindi ko na nailagay ang word na KA. Sinend ko na kaagad. 20 minutes akong nagcompose ng aking first Text Message.

Sinend ko. Sa crush ko ata yun na ang number ay nagtatapos sa 2699/

Pero wala akong nakuhang reply.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

My Race Pace

Tumakbo ulit kami kanina sa The Fort. This time, lumang sapatos ang gamit ko. Yung rubber shoes ko na ni-rugby-han ko para umayos yung swelas.

Ayos ang naging takbo namin. Ang aming goal is 10k. Ang isang ikot kasi sa The Fort ay 1.2km. So kung magaling ka sa math, mako-compute mo na kailangan mo ng 8.5 na ikot para makabuo ng 10k.

Wala kaming official time, kaya medyo tantya-tantya lang. Tumakbo kami sa orasan ni Tonton ng 8.10pm. Natapos ako ng takbo ng 9.18pm. Sakto na yun.

Ang naging techinique ko, parating straight lang ang takbo, level lang dapat ang ground, at kung maaari walang hintuan. Pacing lang sa simula. Mabagal lang. Habang tumatagal, bumibilis, depende sa mga kasama sa pagtakbo.

Nakita pa nga namin yung isa naming officemate na tumatakbo rin e. Kasama yung husband niya.

Then, nakita pa namin si Kidbaliw pagkatapos. Syempre picture picture. Pakitingin na lang sa Facebook page ko. Eto link:

Eto sample pic:

paki-click para sa facebook page ko.

Pusa talaga

Gabi na. Ipapasok ko na ang sasakyan. Hindi naman kasi pwedeng hindi ipasok sa garahe si Pilot. Baka ginawin pa at magkasakit. Mahirap na.

Binuksan ko ang gate. Open wide. Nagbukas na rin ako ng ilaw. Inalis ko sa dadaanan ng sasakyan ang bike at ang sofa. Wala akong kasama na magpapasok ng sasakyan. Tulog na kasi yung mga kasama ko sa bahay e.

Eto na, start the engine, maniobra ng onti. Itinutok ko na si pilot sa gate. Dahan-dahan ko nang ipapasok si Pilot.

Kaso may pusa na dumating. Ampusa talaga o. Tinignan pa ko nung binigyan ko siya ng bright light. Huminto sa harap ko. Masasagasaan siya pag tinuloy ko ang pagpasok ni Pilot.

Pilot vs Pussy.

Binigyan ko ng matinding busina. Napatalon siya at napa-ngiyaw ng malakas. Ayos, umalis din.

Pero pumasok sa bahay.

Naku, baka ma-trap sa bahay yun at hindi makalabas. Maubos ang danggit reserves namin. Wala na kaming pang-emergency.

Binilisan ko ang pagpasok sa sasakyan. Walang 8 seconds, nakapatay na ang makina at nakapwesto na si Pilot. Hindi ko na sinara ang gate dahil plano kong itaboy ang pusa papalabas ng bahay. Takbo ako sa loob. Binuksan ko ang lahat ng ilaw.

Nang makita ko ang pusa, hinabol ko. At sinigawan ko pa ng Aw-AW-aW. Para akong aso. Takbo naman ang pusa. Nakalabas din siya ng bahay.

Pusa talaga yan o. Bantay salakay. Kung kelan wala ang bantay, saka siya papasok.

Aw!-AW!-aW!!