Susi

Mabilis lang ang biyahe ko papunta sa trabaho sa bago kong schedule na 9am-6pm. Akala ko talaga rush hour ang 8am, hindi naman pala ganun ka-traffic sa ruta ko.

Thirty minutes lang, andun na ako sa 2nd flr parking lot namin. Excited na akong makapunta sa operations floor.

Bumaba ako ng sasakyan, nasa passenger seat ang gym bag ko. Nilabas ko ang mga kailangan ko para sa trabaho at sa lunch time; cellphone, isang ballpen, ID, panyo, toothbrush, floss.

Mukha namang ok na to. Ni-lock ko ang pinto ng kotse at sinara.

Diretso na ko sa 4th flr at nagpunta sa lockers. Discharge naman ng mga hindi kailangan sa floor; cellphone, toothbrush, floss, susi..

Wait lang, asan ang susi ko?

Di naman pwedeng maiwan yun sa bahay, pano ko nadala ang kotse kung wala akong su…

Bumalik ako sa parking lot. Sumilip ako sa bintana. Andun ang susi sa ignition. Badtrip.

Well, nagsabi na lang ako sa bahay tungkol sa nangyari. Pumunta ang tatay ko sa opisina gamit si KomdaMCB (pangalan ng mountain bike namin), para dalhin ang duplicate key ni Pilot (pangalan ng FX). Nang makuha ko ang susi, nilabas ko si Pilot mula sa parking lot, isinakay namin si Komda, at umalis na si dadi. Kinuha ko ang gym bag ko dahil nag 3k run pa ko sa gym after ng aking shift.

Matagal na akong nagmamaneho. Ngayon ko lang nakalimutan ang susi sa ignition. Well, may naririnig din akong mga story tungkol sa mga taong nakakaiwan ng susi sa ignition.

May tawag daw sa ganun sabi ni Florinda e. Ayaw nya lang sabihin kung ano.

0 responses to “Susi

  1. alam mo tawag dun?!?!

    makakalimutin! 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *