Daily Archives: 2011-01-12

Memory Miyerkules: Seloso

Fourth year High School. Alam ng buong school na break na kami ni super Ex. Hindi ko na matandaan ang dahilan ng paghihiwalay namin. Ang  alam ko lang, all my high school life, sanay ako na may girlfriend ako.

Masakit para sa akin na nakikita ko na may pumuporma na sa kanya na iba; si Rukawa, kakapasok lang niya last year.

Iisang klasrum lang kami. Hindi ako makalapit kay Super Ex dahil parating naka body guard si Rukawa.  Doon pa sa tabi ni Super Ex nagrereview ng Filipino. Sobrang badtrip talaga.

Isang recess, napuno na ako. Nilapitan ko sila. Yung ingay ng klase kapag recess ay biglang naglaho. Napatingin ang lahat sa akin. Akala nila diretso suntukan na. Wala namang nagtangkang umawat.

Pero hindi ako bumitaw ng suntok. Binulungan ko lang si Rukawa.

“CR. Ngayon na…”

Nauna na akong naglakad papunta sa CR. Hinanda ko ang sarili ko.

Sumunod naman si Rukawa. Ni-lock niya ang pinto pagpasok niya ng CR. Alam kong sumunod ang iba naming kaklase pero hanggang pinto lang sila. Kumakatok sila pero hindi namin sila pinansin. Halos sumisigaw na si Super Ex.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Run for Fun. Race for Place

Best time to burn off the holiday binge and be true to your new year’s resolution! Join this fun run on Jan 30! Post back for any tickets or run queries. Last day of registration is Jan 23! Slots are limited and are sure to “run” out.

Isa sa mga TO DO LIST FOR 2011 ko ay ang tumakbo sa tatlong events. Since hindi ako makakatakbo sa Condura run (nasa Palawan ako from Feb3-8), tatakbo na lang ako sa closest race before Condura. I got my singlet kagabi lang from ROX.

Buti na lang at naisipan ng St. Jude Catholic School na pabalikin sa kalsada ang mga estudyante nila. At dahil medyo pinalaki nila ng kaunti ang event nila, this is now open to runners from outside. Tatakbo ako sa 5k to burn. Tsaka syempre, I need my muscle cuts.

Puro computer games na kasi ang mga bata ngayon. Mas gusto nila maglaro ng  PSP, Nintendo DS, Playstation, DotA at ang pinaka sports na lang nila ay Wii Sports. Wala na ata sa kanilang marunong mag tumbang preso.

Well, hindi ko na patatagalin pa, eto ang run details. Since tamad ako, Poster na lang nila ang gagamitin ko.

See you on the race track!