Memory Miyerkules: Seloso

Fourth year High School. Alam ng buong school na break na kami ni super Ex. Hindi ko na matandaan ang dahilan ng paghihiwalay namin. Ang  alam ko lang, all my high school life, sanay ako na may girlfriend ako.

Masakit para sa akin na nakikita ko na may pumuporma na sa kanya na iba; si Rukawa, kakapasok lang niya last year.

Iisang klasrum lang kami. Hindi ako makalapit kay Super Ex dahil parating naka body guard si Rukawa.  Doon pa sa tabi ni Super Ex nagrereview ng Filipino. Sobrang badtrip talaga.

Isang recess, napuno na ako. Nilapitan ko sila. Yung ingay ng klase kapag recess ay biglang naglaho. Napatingin ang lahat sa akin. Akala nila diretso suntukan na. Wala namang nagtangkang umawat.

Pero hindi ako bumitaw ng suntok. Binulungan ko lang si Rukawa.

“CR. Ngayon na…”

Nauna na akong naglakad papunta sa CR. Hinanda ko ang sarili ko.

Sumunod naman si Rukawa. Ni-lock niya ang pinto pagpasok niya ng CR. Alam kong sumunod ang iba naming kaklase pero hanggang pinto lang sila. Kumakatok sila pero hindi namin sila pinansin. Halos sumisigaw na si Super Ex.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

0 responses to “Memory Miyerkules: Seloso

  1. so ano nangyari after ilock ang pinto ng CR?!?! bloodshed?

  2. Ria de Leon

    ano ba naman to pinsan! haha.

    parang may kabastusan akong naiisip pagka-lock ng pintuan ng C.R… YAOI! hahaha. kumpletuhin kasi ang kwento! nak ng tinapa naman oh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *