Juan Ekis 20?

Umiikot na naman sa email ang “20 Questions ni Juan Ekis.” Sa mga hindi nakakaalam, nanalo ang play na ito sa Palanca Awards; Dulaang Isang Yugto Category. Well, nag-google ako kaya alam ko. Sure ako maggu-google ka rin bago mo tapusin basahin ang blogpost ko.

Dalawa lang ang tauhan sa play. Kinulong sila ng barkada nila sa iisang kwarto bilang part ng isang “tradition”. 3 days daw sila doon. Bahala na sila kung ano gawin nila. Pwede lang sila lumabas pag mealtime.

Dalawang tao, hindi talaga tugma ang mga paniniwala nila. Hindi sila pareho ng ugali. Halos wala talaga silang common ground.

Pero sa loob lamang ng 20 questions, nagkaintindihan sila. Yan naman ang solusyon sa lahat ng problema e; communication. Kapag hinayaan mong maputol ang komikasyon ninyo, wag ka nang umasa na magkakasundo pa kayo.

Hindi ko naiku-kwento ang play, alam ko naman na nabasa, binabasa, o babasahin mo rin naman ito. Search mo lang sa google, lalabas rin ang script nung play. Kung tamad ka naman, eto link. Paki-click na lang.

Yung mga tao na araw-araw kong tinatanong ng kung anu-ano, sana wag kayo maiinis. Kahit na nakakainis yung mga tanong ko, sagutin niyo na lang. Mas gaganda kasi ang usapan pag honest tayong sumasagot sa mga tinatanong sa atin.

Umpisahan na natin ang tanungan. Eto first question ko:

Mas madali bang mabuo ang Rubik’s cube pag black and white lang ang mundo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *