Monthly Archives: February 2011

Kain King Sam Won BF Homes

First time ko kumain sa Korean Restaurant. Nagkayayaan nung araw na yun dahil ang horoscope ng kasama namin na Cancer e “Kumain ng healthy, mao-ospital ka”. Being a believer, sinigurado ko na masarap at healthy ang kakainin namin.

Ano pa bang mas healthy pa kesa sa kimchi at siyam na side dish.

Madali lang puntahan ang Sam Won, andun lang yun sa BF homes, kahilera ng mga inuman doon. Malapit siya sa Cabooze, Laiya Grill at sa Havana. Well malayo na rin pero walking distance naman.

Pwede kang magshabu-shabu kung magaling ka magluto, e hindi kami marunong kaya pinaluto na lang namin sa kitchen yung pagkain.

Simple lang, make your own lumpia. Get a piece of dahon, lagyan mo ng meat, lagyan mo ng kung anu-anong side dish, at isubo mo ng buo. Make sure na may panulak ka ha. Meron naman sila complimentary na iced tea. Pero tea lang talaga yun na walang lasa.

Rice na rin. Make sure na may rice ka. Hindi kasi sanay ang pinoy na walang rice e.

Ayoko na magkwento, pictures paint a thousand words naman e. Isa pa, may sinusubukan akong Facebook album to WordPress na plugin. Testing natin ha.

Eto na ang pictures.


From Sam Won Feb 5, 2011, posted by Pepi De Leon on 2/19/2011 (52 items)

Generated by Facebook Photo Fetcher


Babalik kami sa Sam Won para sa bday ni [KnP]Pongee bukas. Kita kits sa mga pupunta!

RAT Race by Visayan Forum and Zonta

Eto ang pangatlong race ko sa taon na to. Pag nagawa ko to, tapos na ang task number 7 sa aking TO DO LIST 2011.

RAT Race; kung sa financial na usapan, eto yung mga empleyado sa corporate world na kumikita ng pera at patuloy lang na nabubuhay sa cycle. Kailangan mo makalabas ng RAT Race para sa financial freedom.

Pero para sa runners, sa Zonta Club at sa Visayan Forum, eto ang first ever run para iligtas ang mga tao sa Human Trafficking. Sobrang talamak ito sa bansa natin, kung hindi niyo lang alam. Andyan yung mga nire-recruit from the provinces at pinapangakuan ng magandang trabaho sa Manila o di kaya sa abroad pero pagdating doon e hindi naman nakakakuha ng pinangako sa kanila.

Ako, gusto ko talaga makalabas sa RAT Race. Pero sila, hindi pa sila nakakapasok sa kanilang sariling race. Kumbaga sa takbuhan, hindi pa sila nakakatakbo.

E pano ka mananalo sa karera kung wala ka sa starting line. Pano matatapos ang run kung hindi ka makakatakbo.

Tulungan po natin silang makapagsimula sa pagtakbo ng kanilang buhay, sa tama at malinis na paraan, sa trabahong hindi sila agrabyado.

Kung ang second run ko ay para sa freebies from Unilab, ang third run ko ay takbo for a good cause.

Ikaw ba? Takbo ka lang ba ng takbo na walang magandang dahilan?

Eto details ng run:

When: March 13, 2011
Where: Venice Piazza, McKinley Hill
Distances: 10K, 5K, 3K, 1K
Registration: February 20 to March 11, 2011 at Chris Sports barnches and ROX (BHS), registration fees are ₱400 (1K); ₱500 (3K and 5K); ₱600 (10K)

Memory Miyerkules Angel of Refraction

First year High School. Basketball practice.  Kasali ako sa Varsity namin. Hindi naman talaga ako yung tipong pang-ace player. Maliit lang kasi ang population ng school namin kaya nakasali ako.

Excused kami buong araw ng Thursday. May pinaghahandaan kasi kaming competition.  Buong araw, puro ensayo. Takbo dito, takbo doon. Habol ng bola, shooting, execute ng play at focus sa dribbling.

Puro second year ang kasama ko. Hindi kasi active sa sports ang mga kaklase ko sa first year. Ewan ko ba sa kanila. Hindi rin naman sila nage-excel sa subjects pero parang puro pasarap lang ang gusto nila. Ayaw nila ng sports.

Well, yun na nga. Practice. Gunners ang name ng team namin. Code name ko sa Gunners: Spy. Mahilig kasi akong maghanap ng weakness ng team ng kalaban at dun ako nagpo-pokus. Kung hindi sila magaling dumepensa sa tres, dun ako titira.

Small Forward pa ang posisyon ko nun. Hindi pa ko nagsasanay mag point guard. Neto na lang ako nag point guard dahil hindi na ako isa sa mga matatangkad na players. Napag-iwanan na ang height ko e.

Pero nung araw na yun, sa loob classroom namin, may nakatingin sa salamin ng bintana. Ginagamit niya ang angle ng bintana para mapanuod ang practice namin sa basketball court. Kunwari ay tulala sa kawalan pero ang totoo, nanunuod siya sa bawat kilos at galaw namin.

Ganun siya gumalaw.

At sure ako, binabasa niya rin ang blog na to.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Blue Bloods on AXN

Blue Bloods: When Law Means More Than Blood Ties

AXN’s New Show! It’s all about New York police and how a family in uniform (take note: FAMILY) works everyday in the Big Apple fighting crime and doing things for the good of all.

Wow, nice start. Ngayon, Taglish naman.

Mabilis ang pace ng storya. Well, yung unang 15 minutes pa lang ng palabas, nahuli na kagad nila yung kidnapper.

Pero hindi kasi sa crime fighting lang umiikot ang palabas. Baka kasi akalain nung iba na parang CSI lang ito o kaya 24.

Mas may puso ang palabas na to; emotions, kung ano ang iniisip ng mga pulis, detectives, yung head of police, yung sa loob ng organisasyon nila at syempre sa Pamilya nila.

Ang paborito ko ngang part e yung kumakain silang lahat sa isang mesa. Four generations of Police force in one dining table. Sure ako na marami pang mga ganitong tagpo sa susunod na episodes.

Eto Exclusive Preview:

Blue Bloods Preview

Blue Bloods debuts with a double-episode premiere on:

Tuesday, 22 February 2011 at 9.05PM (PH)

Subsequent episodes at 10PM

First & Exclusively on AXN

Salamat AXN at Azrael sa invite

Salamat Magic sa Photo.