Memory Miyerkules Di Kita Nakilala

4th year Prom Night. El Cielito Inn sa Sta. Rosa Laguna. Maliit lang na conference room sa 2nd floor ang venue namin.

Maaga kami sa venue. Wala naman akong date kaya tambay lang ako sa lobby. May araw pa pero nagdadatingan na ang mga tao.

Umupo ako sa sofa. Kumuha ako ng dyaryo at nagsimulang bumuklat ng mga pahina nito. Hindi ko talaga purpose na magbasa. Gusto ko lang makita kung sinu-sino ang mga dumarating na tao. Sinu-sino ang magkaka-date. Yung dapat kong ka-date ay iba ang kasama. At wala rin akong girlfriend nung mga panahon na yon. May ka-date din yung iba sa mga tropa ko. Ayoko lumabas na wall flower kung sasalubungin ko ang lahat na dumarating.

Cool lang tayo. Nagmamasid, nag-aabang.

Narinig ko na lang bigla ang pangalan ko. Hinahanap ako ng ibang mga teacher. Nakita na kasi nila akong dumating pero hindi pa ako nakapag-register sa attendance. (May attendance pa talaga eh noh?)

Tumayo na ako, binalik ang dyaryo kung saan ko kinuha. Sinarado ang butones ng aking coat. Lumapit sa registration area at nagsulat ng pangalan ko.

“Pepi, ikaw pala yung nakaupo doon. Hindi kita nakilala. Akala ko kung sinong businessman.”

Hindi na lang ako sumagot. Sa mga pagkakataong ito, hindi ko kailangang sumagot. Action speaks louder than words. Na-set ko na ang bar ko. Hindi ako ang Pepi na kilala ninyo sa classroom. Whole new level ito at ang buong gabi ay magiging isang palabas para sa akin. I have one goal in mind.

For the second time, makuha ang title na PROMKING.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *