Run like a Kenyan

Grabe talaga. grabe…

May dalawang Kenyan na nakasabay ko tumakbo sa St Jude Catholic School Run. Run for Fun ako pero sila, Race for Place talaga sila. Yung isang Kenyan, 10k ang tinakbo niya. Yung isa naman, kapareho ko.. 5k.

Dumating ako sa venue 30 minutes before gun start. May nagpapa-picture pa nga dun sa mga Kenyan e. Habang hinahanap ko kung saan pwede mag-iwan ng gamit, nagkukwentuhan lang yung mga Kenyan. Hindi man lang nagstretching ng maayos.

Sobrang payat nila. Parang walang tubig sa katawan. Sobra din itim at kulot na parang kalbo na ang buhok. Matatangkad at mahahaba ang mga legs.

Unang tumakbo ang 10k runners. After 5 minutes, kami namang 5k runners. Yung Kenyan na 5k ang tinakbuhan, sa starting line ko lang siya nakita. Pagkatapos nun, di ko na siya nakita. Ever.

Yung 10k runner naman, dalawang beses ko nakasabay sa kalsada. Mas malayo yung ruta nila kaya nahahabol niya ako sa takbo. Yung unang beses, sinabayan ko ang speed niya. 20 seconds kaming magkasabay na tumatakbo. After that, nag breakaway na siya. Iniwan niya akong humihingal.

Yung pangalawang beses, malapit na yun sa finish line. Ayoko talaga na maunahan niya ako ulit kaya sinabayan ko na naman siya sa takbo. 10 seconds. Ayun, breakaway na naman. He finished 10k in 25 minutes ata.

Ako, ang nasa relos ko, 27 minutes. Kaso baka sa official time e mas matagal pa.

It was a nice experience. I got a medal dahil ang first 500 finishers sa race ay bibigyan ng medal. Full rest ako ngayon habang tumatarget ng iba pang takbo.

Lintek talagang mga Kenyan yan. Built to run talaga sila. Baka nga hinahabol pa sila ng mga leon sa country nila kaya nag-evolve sila to a dust-leaving running machine.

Makakita kaya uli ako ng Kenyan sa susunod ko na takbo?

Wag ka ma-pressure kung naiiwan ka. Pareho naman kayong makakarating sa finish line.

0 responses to “Run like a Kenyan

  1. nice post. eto talaga ang forte ng mga Kenyan pagdating sa sport. Siguro sa hirap ng buhay nila sa kanila, eto ang pinili nilang way para kumita. Ganun talaga ang sport or kahit anong contest, syempre tinaya nila ang pagpunta dito para may chance sila umangat sa buhay.

    • oo nga e. they are maximizing their potential. alam kasi nila kung saan sila nararapat.

      pag ako, alam ko na kung san ako nararapat, dun ako magpo-pokus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *