Right is not always RIGHT

“Tawagan kita pag uwi ko.” Yan ang mga huling salita na nabanggit ko bago ko pinaandar ulit ang makina ni Pilot. Binuksan ko ang headlights, kumambyo ako sa primera at pinatakbo ko ang sasakyan.

Unusual itong ginagawa ko. Over the past few weeks, ginagabi ako ng uwi kapag Linggo. Ngayon lang ako uuwi ng maaga at kakain ng dinner sa bahay. Kulang ang araw ko. Parang may hindi ako nagawa.

Sinundan ko ang jeep na pakanan. Maayos naman ang lahat. Madilim na sa alas otso y medya ng gabi. Pauwi na yung mga nagsimba ng alas siyete. Pagod na rin ang lahat dahil sa isang Chinese New Year weekend na katatapos lang. Parang ayaw pa ng mga tao maniwala na may pasok na kinabukasan.

Kumanan ulit ang jeep na sinusundan ko. Pero nawala sa isip ko na dapat ko siyang sundan. Parang may mali sa dinaraanan ko.

Diniretso ko pa ang kalsada. May nakasalubong ako isa pang jeep. Malakas ang busina nito.

Taxi naman na mahilig akong bigyan ng flashes. Ilaw ng ilaw. Nakakainis.

Pagdating ko sa dulo ng maiksing kalsada na iyon, nakabalandra ang dalawang jeep; isa papuntang Gabbys, isa naman papuntang StopNShop. Hindi ko alam bat sila nakaharang doon.

Kumanan na ako para makauwi. Wala pang isang kanto ang naaabot ko, may humarang sa akin. Nakaputi siya na parang sweater. Familiar ang uniform. Binasa ko ang nakasulat sa damit.

Mandaluyong Traffic Police

Lagot na.

Binaba ko ang bintana ko.

“One way po yung pinasok niyo ser.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *