Memory Miyerkules Penalty Kick

Tapos na ang duration. Tig limang manlalaro ang kukuha ng penalty kick para ma-settle ang draw lock. Isang kicker, at isang goalkeeper ang maglalaban sa bawat goal kick.

Zero – Zero ang score namin. 3rd year high school ako noon. Si Air Force Ryan na 2nd year ang aming Team Captain. Ako ang inatasan niyang sumipa ng pangatlong goal kick . Game 3 na ito ng Gold versus Emerald.

Noong game 2 kasi, ako ang nakapagpapasok ng isang goal na nagdala sa amin ng isang panalo. Kung natalo kami noon, wala na sigurong game 3 ngayon.

Pressure ito.

Pero walang kwenta ang na-score ko noong game 2 kung hindi rin papasok ang goal kick na ito.

Malaking inhale.

Mas lalong walang kwenta kung hindi rin namin mapapanalunan ang best-of-3 series ng Soccer.

Exhale. Ubusin ang hangin sa dibdib.

Game na. Si Gori lang ang goal keeper nila. Nung huling penalty kick ko sa kanya, tinamaan ko siya sa kaliwang binti. Akala niya na block na niya ang goal kick pero maganda ang pektus nung bola kaya pumasok pa rin sa goal.

Isa pang matinding inhale. Kailangan ng Chi.

Tumakbo ako, rev up papalapit sa bola. Buong lakas ko itong sinipa. Isang sipang bahagya sa kanan ko dahil weak side ni Gori ang left side niya.

“Hhhya!” Isang sipang diretso at mabilis. Grounder para sa magandang pektus.

Pero tumalon si Gori, hindi para hawakan ang bola pero para lang harangin ito ng pareho niyang paa. Maliksi si Gori kahit large ang sinusuot niyang mga damit.

BOOM. Nagtagumpay siya sa pagharang. Nagbounce ang bola papalayo sa goal.

Bumalik ako sa bench kung asan si Captain Air Force Ryan.

“Ok lang yan,” sabi niya.

“Sorry,” yun na lang ang nasabi ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *