Memory Miyerkules Pambura

Grade 2 ako nun. 8 years old. Normal na araw kasama ang pito kong kaklase at si Mrs. Divina. Nagsusulat kami sa papel, may ginagawa ata kaming lecture notes.

Paglingon ko sa may pintuan, nakadungaw ang mommy ko. Hindi ko alam bat siya nasa school nung araw na yun. Kumaway siya, kumaway din ako.

Akala ko talaga nagpunta siya para kausapin ako. Ineexpect ko na ipu-pull out niya ako sa klase. Maiinggit mga kaklase ko kapag ganun. Biruin mo, apat na oras lang kayo sa school pero nami-miss ka na kagad ng nanay mo.

Inantay ko na tawagin ng mommy ko ang attention ng teacher ko.

Pero hindi yun nangyari.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Pero hindi na ata tama yung sinusulat ko. May mga salita akong hindi dapat sinulat sa notebook ko. Kailangan ko burahin ang mga hindi maayos na mga salitang yun.

Pambura, kailangan ko ng pambura.

Naghanap ako sa bag ko. Wala akong nakitang pambura.

Hindi man halata, mahiyain akong estudyante. Actually, ma-pride akong tao. Hindi ako nanghihiram ng pambura.

Pero wala talaga ako nakita.

Pagtingin ko sa may pinto, nakita ko ang mommy ko ulit. Pabulong akong nagsabi, “pambura”. At patuloy akong naghanap sa bag ko.

Nang mapansin ni Mrs. Divina na hindi ako mapakali sa paghahanap ng kung ano sa bag ko, lumapit na siya, “Anong problema?”

“Di ko makita ang pambura ko,” sagot ko.

Pagtingin ko sa may pinto for the 3rd time, andun na ang mommy ko. Tinatawag ang teacher ko at inabutan ng pambura. Bumili ata ang mommy ko sa bookstore/canteen.

Inabot naman sakin ni Mrs. Divina ang pambura na kabibigay lang sa kanya.

Hindi ata ako nakapagpasalamat pa ke mommy noong araw na yun.

Salamat mommy, Happy Birthday ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *