Ravishing Warleigh

Ikaw ba naman ang araw-araw magsabi na masarap magsulat, sure ako makakaimpluwesiya ka rin ng ibang tao.

Siya si WLeigh “The New Internet Sensation”  Lacson aka Lord001. Matagal ko na siyang tropa. Nakakalaro ko sa basketball, nakakausap tungkol sa saloobin sa trabaho at kasa-kasama sa Gift In Kind Foundation. Nung pagpasok ko sa kumpanya namin, VIP Agent na siya. Hanggang ngayon, VIP Agent pa rin siya. Umangat at bumaba na ako at lahat, VIP Agent pa rin siya.

Pero ngayon, nagdagdag na siya sa kanyang credentials. Blogger na rin siya.

Naiinggit ata sa amin ni SuperJoyce. One day, nagtatanung tanong siya kung paano mag start ng blog. Isa lang naman ang naging sagot ko, “Simulan mo sa pangalan.” Kung hindi mo kayang pangatawanan ang pangalan ng blog mo, mabo-bore ka at eventually, ititigil mo rin ang pagsusulat.

Out of the blue, sinabi niya na lang sakin, “Wag mo na ako tawaging WLeigh. Rave na ang itawag mo sa akin.”

Rave? bakit Rave?

RavishingWarleigh.Blogspot.com … Yan ang napili niyang pangalan. Nakakadalawang events na kami at so far, wala pa siyang nasusulat kahit isa. Naimpluwensiyahan ko siya ng pagiging blogger, sana wag niya sakin makuha ang pagiging tamad.

Pero kung titignan mo ang format ng blog niya, mukhang veteran blogger na. Salamat sa Blogger Templates.

Well, we have long ways to goes. Basta pag sikat ka na kagaya ni popazrael, wag mo ko kakalimutan ha.

popazrael and ravishingwarleigh

Hanggang sa susunod na event. Practice Run muna para sa Rat Race.

0 responses to “Ravishing Warleigh

  1. test comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *