Run United 2011 RunRio Leg1

Ito ang aking pangalawang running event for the yeear 2011. Hindi ko sure kung makakatakbo ako dahil meron pa akong injured right knee tendon. Masakit siya sobra. Bawat paghakbang ko ay parang parusa sa mga kasalanan ko sa sanlibutan.

Pero kapag naging ok na ang tuhod ko, kahit kulang ako sa practice runs, itatakbo ko pa rin to. Para saan pa at tinawag akong kampeon. Puso at determinasyon lang ang gagamitin ko.

Sulit ang run na ito. 10k ang tatakbuhin ko. Php600 ang presyo. Yung race kit, andaming freebies. Paborito ko sa freebies yung ascorbic acid; pampalakas ng resistensya.

First run ko rin ito na may DTag. Ginagamit ang DTag para madaling malaman ang official race time mo. Umaasenso na ang running community e. Dati kasi, barcode lang.

First run ko rin ito na 10k. Sana matapos ko.

Kapag hindi ko ito natakbuhan, medyo madi-delay ang pagtapos ko sa aking Task # 7 sa aking TO DO LIST. So dapat, magawan ko siya ng paraan.

Eto nga pala ang details ng run. Kita kits sa Finish Line.

Unilab Run United 1
March 6, 2011
Fort Bonifacio Global City
500m / 5K / 10K / 21K

Eto Singlet:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *