Monthly Archives: March 2011

Memory Miyerkules Like A Rose

High School. Need kumanta sa Music class namin.

Hindi talaga ako singer. Nagpapanggap lang. Ayos naman ang tono ng boses ko pero 1.5 octave lang ang range ko. Basta hindi ako panlaban sa mga contest.

E ang hirap din maghanap ng kanta na nasa loob ng range ko. Dapat minus one ang tape para marinig ang boses ko.

So hanap tayo neto sa Odyssey. Music store yun. Meron pa ata nun sa mga mall.

Nang makakita ako ng magandang tape na minus one, binili ko na. Ang napili kong kanta; Like A Rose by A1.

Eto video:

http://www.youtube.com/watch?v=FO0CYCm9xWE

Like a Rose

Hindi ko alam kung maganda ang naging grade ko pero sure ako, naging memorable ang kanta na yun sa mga kaklase ko. Para daw kasi ke super ex yung kanta.

Bahala na nga sila kung ano isipin nila.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Green-colored Red Light

ha? hanudaw?

Yan ang saktong reaksyon ko nang makita ko ang mga litratong pinadala sa akin ng friend ko. Makikita ang kakaibang ilaw na ito sa mga bar na nagkalat sa Metro Manila.

 

yellow light is red..

 

wait.. ano daw? hindi ako color blind ah.

Kung hindi ka pa lasing, mababasa mo pa ang nakasulat sa ibaba na “Alcohol affects your judgment.” Gawa ang signage na ito ng Toyota. Isa siyang public service project against drunk driving.

 

stop at the red sign (kahit green ang ilaw)

Oo, drunk driving. Hindi Kung Fu style yun na parang Drunken Style. Ungas.

 

Hihinto ako sa red sign (e pano yung mga lasing sa likod ko?)

Napaisip tuloy ako. Simula nang makuha ko ang lisensya ko last year, ilang beses na ba ako nagmaneho nang naka-inom.

My Drunk Driving Experience

Sinungaling ako kung sasabihin kong never. Nung may event nga sa The Fort, open bar yun. Nagmaneho ako matapos ko sumuka ng anim na beses. Awa ng Diyos, nakauwi naman ako. Pero yung kasama ko, hindi na nakauwi sa kanila. Sa bahay ko na pinatulog.

Nakapag-drive na rin ata ako sa SLEX mag-isa nang naka-inom. Galing ako sa inuman/videoke sa Alabang area. Sober na naman ako after ng videoke pero inaantok na ko. Sabi ng tropa ko, yun ang pinakadelikado, ang magdrive na inaantok. For the second time around, salamat sa Diyos.

Mga kwentong lasing

Yung isang tito ng friend ko, nagmaneho daw na lasing. Naka-convoy pa raw sila. Bawat andar ng sasakyan, parating kumakabig sa kanan. E may mga nakaparadang sasakyan sa kanan. Buti na lang medyo gising pa si tito at naikakabig pa pakaliwa. Imaginin mo na lang yung mga nasa likod na sasakyan na nakikita yung kotse ni tito na ga-buhok na lang e babangga na sa nakaparadang mga sasakyan. Nakakahigh-blood daw talaga.

Meron pa, isang friend. Sa sobrang antok niya raw, iginilid niya daw ang sasakyan para matulog muna sandali. Ang problema nga lang, nasa Skyway siya nun. Isipin mo ha, may sasakyan na naka-hazard sa Skyway. Natural lalapitan ng mobile yun.

Statistics

Alcohol-related deaths in the US since 1982:

Total fatalities
Alcohol-related
fatalities
Year
Number
Number
Percent
1982
43,945
26,173
60
1983
42,589
24,635
58
1984
44,257
24,762
56
1985
43,825
23,167
53
1986
46,087
25,017
54
1987
46,390
24,094
52
1988
47,087
23,833
51
1989
45,582
22,424
49
1990
44,599
22,587
51
1991
41,508
20,159
49
1992
39,250
18,290
47
1993
40,150
17,908
45
1994
40,716
17,308
43
1995
41,817
17,732
42
1996
42,065
17,749
42
1997
42,013
16,711
40
1998
41,501
16,673
40
1999
41,717
16,572
40
41,945
17,380
41
42,196
17,400
41
43,005
17,524
41
42,643
17,013
40
42,518
16,919
39
43,443
16,885
39
42,532
15,829
37
41,059
15,387
37
2008
37,261
13,846
37

nakuha ko lang yan dito:

http://www.alcoholalert.com/drunk-driving-statistics.html

Patunay lang na may namamatay sa pagmamaneho ng lasing. Actually, manuod ka lang ng TV Patrol. Every week, may isa o dalawang balita tungkol sa aksidente sanhi ng drunk driving.

()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()

Papasok na ang summer. Wala nang klase ang mga estudyante. Sure ako sunud-sunod ang mga party niyang mga yan. Paalala ko lang sa inyo, mas mabuti na mag-carpool kayo pag may inuman. At yung driver ninyo, wag na ninyo painumin.

Kung pwede naman, mag-taxi na lang kayo pauwi. Or maki-tulog na lang sa place ng host. Mas mabuti pang magpaliwanag ng maayos kinabukasan sa parents ninyo kesa sa ospital na sila paliwanagan ng doktor.

Oo, mahal ang gas ngayon, pero mas mahal ang buhay mo.

Ingat sa pagmamaneho.

KnP was Sucker Punched

Hanggang ngayon hindi ako maka get over sa pelikula. Ang husay ng cinematics at ng OST.

Sucker Punch; tungkol ito sa babaeng pag sumayaw ay nakakapasok sa isang kakaibang dimension kung saan siya ay nakikipaglaban sa mga iba’t ibang klaseng elemento. Yung mga nakakanood sa kanyang pagsasayaw ay namamangha. Parang nadadala niya sa ibang dimension ang lahat ng kanyang audience.

Yun ang pagkakaintindi ko sa movie, pero baka mali ako.

From the makers of Watchmen and 300.

I give this movie 10 stars out of 10.

What I Like

  • Seksi kasi ang mga artista. At kahit anong tumbling at barilan ang gawin nila, hindi nabubura ang kanilang makeup.
  • Super ganda ng OST. Sakto ang mga kanta sa fight scenes.
  • Astig ang fight scenes. Kahit na 2d lang ang palabas, parang 3d na rin sa ganda ng cinematics.

The experience

Hindi lahat kayang pumasok sa “Zone”. Sa katunayan, athletes lang gaya ni Kobe at ni Lebron ang alam ko na nakagagawa ng ganito. Kaya rin pala ito gawin ni Randy Orton.

Yun bang habang nagpi-perform sila o naglalaro, parang makikita mo sa mga mata nila na nasa ibang dimension sila. Parang hindi na kayo magka-level. In The Zone!

Kaya nga pag ako, bigla na lang natigilan sa pagsasalita, o hindi na ako nakikipag-usap sa mga kasama ko; wag kayo matakot. Nakikipaglaban lang ako sa ibang dimension. Para sa freedom.

Best Line in the Movie

  • If you don’t stand for something, you will fall for anything.

Eto trailer, para matuwa naman kayo:

Memory Miyerkules Ano number mo?

Hindi ko ugali na manghingi ng number. Inaabangan ko lang ang mga slumbook ng mga girls na umikot para makita ang mga number ng mga kaklase ko.

First Year HS.

Isang araw sa Math class namin, may recitation. Hindi ko na matandaan kung ano ang pinaparecite ni Sir Mar pero si Super Ex ang tinawag. Siya ang nagrerecite.

Numbers natural ang pinaguusapan nila. Out of the blue, sinabi ni Super Ex ang number nila sa landline.

2-4-7-0-7-9-0.

Hindi ako nagpahalata na kinabisado ko ang mga numero. Magaling ako sa Math. At medyo mahusay ako sa memorization ng numbers.

Pinalipas ko muna ang school days. Friday pag-uwing paguwi ko ng bahay, inangat ko ang telepono namin.

Dial ko kagad ang number na memorized ko sa ulo. Never ko pa sinulat ang number sa papel.

Nag-ring ang kabilang linya. May sumagot.

“Hello”

“Hello, pwede ke Super Ex?”

“O baket?”

Parang ine-expect ni Super Ex ang tawag ko.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.