Daily Archives: 2011-03-01

Paalam Sugarfree

Diverse music. Pure Pinoy na lyrics. Applicable songs in everyday life. Yan ang Sugarfree para sa akin. 

Sila ang kumanta ng “Hari ng Sablay”, “Makita kang Muli” at ang aking theme song na “Prom”. Hindi man ako fan ng lahat ng songs nila, nakaapekto naman ang music nila sa paglaki ko.

Isa rin siguro sila sa mga dahilan kung bakit ilang beses akong sinasabihan ni Tiarara na magblog using English e hindi ko pa rin magawa. Bakit ang Sugarfree, kaya nila sumulat ng kanta sa Tagalog. Magpapatalo pa ba ako?

Ngayon, nakikinig ako sa Jam 88.3. Eastwood Central Plaza, nagsama-sama ang grupo para sa isa sa mga Farewell Concerts nila titled “Paalam Pilipinas; Sugarfree Farewell Concert”. 11 years worth of great songs. Sobrang sarap talaga makinig ng lyrics na tagalog.

Every good things must come to an end, ika nga. Pero kailangan talaga tapusin to give way to other good bands and songs.

Bago nila kinanta ang “Hangover”, narinig ko na sinabi nila ito:

I THINK I AM ONE STEP CLOSER IN UNDERSTANDING THE CONCEPT OF LOVE. – Sugarfree. Hangover.!

Kahit ako, isang kampeon, hindi ko pa rin kayang intindihin ang concept ng love. Pero sa bawat kanta na ginawa nila, mas lalo mong maiintindihan ang concept ng LOVE. Promise!

Hanggang sa susunod. Eto sample ng song nila na ngayon ko lang nagustuhan.

Hanggang sa susunod na kantahan. Maraming maraming salamat! Kapwa Kampeon talaga kayo!

Sulat para kay Ryan

Dear Ryan Hizon,

Hindi tayo close. Actually, hindi ko nga naaalala na nagkaabot pa tayo sa Laguna BelAir School e. Ganumpaman, kilala kita dahil sa mga naging kaklase mo. Ilan sa kanila ay kakilala ko personally.

Kumusta ba ang naging buhay mo sa Afghanistan? US Citizen ka di ba? Mahirap ba makapasok sa US Army? Nakakakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw? Teka, may Adobo ba dun?

Sorry talaga at hindi tayo nagkakilala ng lubusan. Ako nga pala ang presidente ng Alumni Association natin sa LBAS. Naisin ko man na makilala ka pa ng personal, mukhang malabo na. Continue reading