Sulat para kay Ryan

Dear Ryan Hizon,

Hindi tayo close. Actually, hindi ko nga naaalala na nagkaabot pa tayo sa Laguna BelAir School e. Ganumpaman, kilala kita dahil sa mga naging kaklase mo. Ilan sa kanila ay kakilala ko personally.

Kumusta ba ang naging buhay mo sa Afghanistan? US Citizen ka di ba? Mahirap ba makapasok sa US Army? Nakakakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw? Teka, may Adobo ba dun?

Sorry talaga at hindi tayo nagkakilala ng lubusan. Ako nga pala ang presidente ng Alumni Association natin sa LBAS. Naisin ko man na makilala ka pa ng personal, mukhang malabo na.

Minsan ka lang din daw makauwi sa parents mo sa LA. Mas madalang pa syempre ang pag-uwi mo dito sa Pinas. Miss ka na ng batchmates mo sobra. Parang kelan lang daw, isang araw nung December, nagkukwentuhan pa kayo.

Pero nagpapasalamat kami sa kagaya mo na nagpu-protekta ng kalayaan namin dito. Nagpapasalamat kami sa bawat oras na nilalagay ninyo ang sarili ninyo sa panganib para manatiling payapa ang pinoprotektahan mong mga mahal sa buhay. Maraming maraming salamat.

Ganun ba ka-delikado ang buhay ng sundalo? Isang pitik lang, wala ka na? Hindi ako ganun katapang.

Nabalitaan ko lang ke Gianne at ke Gierod ang nangyari sa yo. IED daw ang kinamatay mo. Nagresearch pa ako sa wikipedia, hindi pala sakit yun. Improvised Explosive Device. Sa pelikula ko lang nakikita yun. Hurt Locker. Nakakatakot ang pagiging delikado ng sitwasyon sa giyera. Hindi mo alam baka next minute, wala ka na. Kasama nang lahat ng mga pangarap mo.

Pero hayaan mo, mananatili kang buhay para sa amin. Ang alaala, pagkakaibigan, tagumpay at kahit mga pagkakamali, sigurado akong tatandaan yun ng mga nagmamahal sayo.

At promise ko rin, in time, magkikita rin tayo.

RIP Ryan Hizon. LBAS batch 07 Newton.

 

Kapwa BelAirian, Kapwa Kampeon

Kuya Pepi

0917KAMPEON

0 responses to “Sulat para kay Ryan

  1. Ay…ang sad naman.. Condolences sa pamilya nya..

    • naku ms van. di mo lang alam kung gaano kami kalungkot nun nabalitaan namin yan. sobrang sayang. 22 years old lang si ryan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *