Memory Miyerkules Childhood Special Friend

Grade 6. 4th floor sa unang building ng Dominican College Sta. Rosa. Isang subject bago kami mag out sa klase. Malapit na ang summer at malakas na ang hangin sa labas.

Sa dulong-dulo kami nakaupo. Katabi ng bintana. Nasa harapan ko siya. Kapag kumukuha ako ng notebook sa bag ko, o kahit na ballpen, o kahit na ano, naaamoy ko ang buhok niya.

Pauwi na kami pero mabango pa rin ang buhok niya. Dahil siguro hindi siya active sa PE namin kaya hindi siya pinagpapawisan. O baka naman mahusay lang siyang mag-alaga ng sarili kaya parati siyang poise.

Grade 6. poise.

videokeman mp3

Sayang – Parokya Ni Edgar Song Lyrics

Alam kong may isa pa kaming kaklase na pumorma sa kanya dati. Nagpatulong pa nga yun sa ate niya. Pero hindi naging sila. Nabasted ata.

E ako? Torpe ako e. Hindi ko talaga alam kung pano sasabihin na gusto ko siya. Hindi ko alam kung san sisimulan. Kahit mga salitang “ihahatid na lang kita sa inyo”, hindi ko pa masabi. Pano naman kasi, commute lang siya pag umuuwi at ako naka-service. Wala ata sa budget ko ang mag-tricycle araw-araw.

Hindi ata talaga napapanahon nun. Wala sa tiempo.

Perfect na sana. Mali lang ang timing. O nagkulang lang ako sa confidence. Hindi ko alam.

Sayang…

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

0 responses to “Memory Miyerkules Childhood Special Friend

  1. nagulat ako sa music ah.. 😀

    parang hindi ako makapaniwala ang JP na hindi mahiyain eh torpe.. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *